Twenty-three

1.3K 16 2
                                    

NAG-URONG-SULONG si Marifa sa pagkatok sa may pinto ng apartment ni Benj. Kagabi niya pa pinaplano sa isip kung ano ang sasabihing dahilan rito kung bakit hindi siya nakapunta kahapon para ipagpatuloy ang interview rito. Ang akala niya ay napaghandaan na niya iyon nang mabuti pero ngayong nakatayo na siya sa may harap ng apartment nito ay tila ibig muling umatras ng kaniyang mga paa. God, kung pupuwede ko lang sabihin sa kaniya ang totoong dahilan. Kung pupuwede ko lang ipaalam sa kaniya na kaya ako urong-sulong sa pag-i-interview sa kaniya ay dahil natuklasan kong may nararamdaman pa rin ako para sa kaniya. Na ang totoo ay ayoko na itong gawin at gusto ko nalang umiiwas sa kaniya forever! ang na-pu-frustrate na naisaloob niya. Pero, hindi. Hindi ko gagawin 'yon, ano? Saka, teka nga. Bakit ba kailangan ko pang mag-explain sa kaniya? Kung siya nga ni hindi man lang nag-explain sa akin nang maayos kung bakit niya ako binasted before, eh! Kumbinsidong napatango-tango siya—kung kailan nakumbinsi na niya ang sarili na ituloy ang pagkatok ay saka naman iyon bigla na lamang bumukas. Bumungad sa kaniya ang guwapong mukha ni Benj.

"Hey, you're here," napangiti ito habang pinagmamasdan ang kaniyang mukha. "Halika, pasok ka."

Binawi ni Marifa ang kuyom na kamay na naunsiyami sa pagkatok. Tumihim siya saka tuluyan nang pumasok pagkatapos. Dumiretso siya sa may couch.

"Um, I'm sorry about yesterday. Pero ngayon talaga,ready na ako. I have everything I need for the interview." inilabas niya ang folder at kaniyang mini-disc recorder. Determinado na siyang matapos ang interview rito nang sa gayon ay mawalan na siya ng dahilan para makipagkita rito. "Shall we start?"

"Um, about that, Marifa," wika nito na bahagyang nahalinhan ng pag-aalinlangan ang mukha. "I changed my mind about this interview."

Natitigilang napasulyap rito si Marifa. "W-what do yo mean you changed your mind?" ang naguguluhang tanong niya rito.

"I don't think I wanna do this anymore," diretsahang tugon nito. "You see, being featured in your magazine requires public attention. And I don't want that. Ayokong basta-basta na lamang i-expose yung kung ano mang ginagawa ko sa publiko."

Napamaang si Marifa sa narinig na tinuran nito. Just that? ang hindi magkandatutong naisaloob niya. Pagkatapos ng mga isinakripisyo niya para lamang ma-accomplish ang writing assignment niya ay basta-basta na lamang ito aatras nang gano'n-gano'n nalang?

"P-pero yung dalawang co-vets mo pumayag naman sila?" aniyang hindi napigilan ang paglaganap ng inis sa dibdib. "Why can't you do the same thing?"

"Well, it's them. May kanya-kanya kaming perspective regarding this matter. I respect whatever their decision is," depensa nito. "As for me, I don't wanna do it."

Marifa felt so frustrated. Parang biglang gusto niya itong sigawan pero nang maalala niya na doon nakasalalay ang kaniyang trabaho ay napigilan siya. Sa huli ay wala siyang nagawa kung hindi ang mapabuga ng hangin.

"Please, Benj, don't do this," aniya. Hindi niya akalain na sa ikalawang pagkakataon ay muli siyang magsusumamo rito nang gayon. "I really need to accomplish this writing assignment kung hindi ay mawawalan ako ng trabaho."

"Well," wika nito na hindi rin naiwasang hindi mapahugot ng hininga. "If you badly need to accomplish this, then I think, we should make a deal."

"Deal?" napakunot ang kaniyang noo. Hindi niya maiwasan ang hindi kabahan. "A-anong klaseng deal ang sinasabi mo?"

"Well, I was assigned to go to this veterinary symposium next week. I thought I needed someone to accompany me. Someone that could be my personal secretary, perhaps." sabi nito sa kaniya. "If you agreed to go, maybe after that, we can proceed with the interview."

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now