Sixteen

1.3K 13 2
                                    

"NAG-PIZZA kayo?" hindi makapaniwalang sabi sa kaniya ni Jastin matapos niyang ikuwento rito ang nangyari noong isang gabi. "Sinasabi mo ba sa akin na hindi mo siya na-interview dahil nag-pizza kayong dalawa?"

"Hey," problemadong sikmat niya rito. "I told you naiwan ko yung questions at yung mini-disc recorder ko kaya hindi natuloy yung interview so he asked me to have pizza instead."

"Pumayag ka naman, aber?" nakapameywang na buwelta naman nito. "Yeah right, girl, nakamove on ka na nga talaga!"

Hindi siya nakapag-salita. Gusto niyang mainis kay Jastin pero hindi niya magawa dahil may basehan naman talaga ang mga sinasabi nito. She should've said no nang yayain siyang mag-pizza ni Benj pero hindi niya ito nagawang tanggihan. Also, she should've not enjoyed his company pero hanggang ngayon ay iyon lang ang naiisip niya.

"It's nothing, okay?" apela niya kay Jastin kahit na tutol ang buong katauhan niya doon. "It's just a couple of pizza. Pinagbigyan ko lang siya kasi kailangan kong makuha yung loob niya. Nang sa gayon ay wala na talagang maging aberya pa sa writing assignment ko."

"Alam mo, it's more like pinagbigyan mo ang sarili mo, besh." napabuntong-hininga ito at tumabi sa kaniya. "Bakit ba hindi mo nalang kasi aminin na hanggang ngayon ay may feelings ka pa rin sa kaniya?"

Nakagat niya ang kaniyang lower-lip. Kung minsan ay hindi niya alam kung kaibigan niya ba talaga ito. Palagi nalang kasi itong kontra sa kaniyang mga sinasabi.

"Alam mo, hindi ka nakakatulong, eh!" sinimangutan niya ito. "I told you, it's nothing. Pagkatapos na pagkatapos ng interview ko sa kaniya mamaya, you'll see, babalik na uli sa normal ang buhay ko. Like I never see him again."

As if!

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now