Thirty-three

1.2K 17 0
                                    

"GOOD morning," ang nakangiting mukha ni Benj ang bumungad kay Marifa kinabukasan. "I know I should not be disturbing your sleep but I just picked a lily and I wanted it to be the first thing that you would see when you open your eyes."

No, Benj, you're the first one that I wanted to see, ang gusto sana niyang sabihin rito ngunit pinigilan niya ang sarili. Sa halip ay bumangon na siya nang tuluyan at kinuha niya rito ang naturang lily. Itinapat niya iyon sa kaniyang ilong at napangiti siya.

"I'm glad you liked it," sabi nito na hindi rin naiwasang hindi mapangiti. "I'm going to wait for you outside."

Tumango siya rito. She sighed in happiness as she watched him vanished through the door. Hindi matutumbasan ang kaligayahang nararamdaman niya ngayong maayos na ang lahat sa pagitan nila ni Benj. In fact, it was more than she ever imagine—the hug they shared and all the sweet things he said to her was just plainly beyond her vision. Hindi niya tuloy napigilan ang puso na muling umasam na baka sa pangalawang pagkakataon ay magawa na talaga nitong tugunan ang kaniyang damdamin para rito.

"Hey," ang pukaw niya rito matapos niya itong maabutang naghihintay sa kaniya sa may labas ng kanilang room. "Shall we go?"

"Well," wika nito na animo'y may kung anong nakalimutan. Pagkuwan ay napatitig ito sa kaniyang kamay. Kinuha nito iyon at hinawakan. "Okay, now we're ready."

Hindi naman napigilan ni Marifa ang hindi mapangiti. Magkahawak-kamay silang nagtungo sa may dining area ng hotel kung saan sila magkasabay na kumain ng breakfast. Matapos makapag-breakfast ay nagtuloy na sila sa may events area para sa ikatlo at huling araw ng symposium. The last day of the symposium focus on the newly acquired medical devices and products in treating animals. Hindi nagawang mag-take note ni Marifa dahil buong araw uling hinawakan ni Benj ang kaniyang kamay.

"God, I can't believe this is the last day of the symposium," napapabuntong-hiningang wika ni Benj. Humilig ito sa kaniyang balikat at ipinikit ang mga mata. "I wish it can get extended for at least two more days."

"Hey," sikmat niya rito na hindi napigilan ang sarili na hindi mapangiti. "It's okay, we can still see each other, anyway!"

Natigilan si Marifa nang ma-realized kung anong sinabi. Hindi niya rin alam kung paano iyon lumabas sa kaniyang bibig. Sinulyapan niya si Benj at nakita niyang nagmulat na ito ng paningin at ngayon ay titig na titig sa kaniya.

"Really?" napapangiting sabi nito. Ibinangon nito ang ulo mula sa pagkakahilig sa kaniyang balikat. "I can still see you after this?"

"Well, um, you know..." napalunok siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. "I-I still have to interview you for my article, right?"

Hindi alam ni Marifa kung imahinasyon niya lang pero parang may nakita siyang pagkadismayang dumaan sa mga mata ni Benj. Napatango-tango ito habang palihim niya namang nakagat ang kaniyang lower lip. She really have no idea on why she's still holding herself back.

"Right," ang sabi nito sa kaniya. "But what do you say we do a little sightseeing of this city before we leave tomorrow?"

"Oh," sa pagkakataong iyon ay siya naman ang napatango-tango. She wanted to say how much she likes to do that pero sa huli'y ang tanging nasabi niya lang ay, "Okay, then."

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon