Forty-three

1.2K 12 0
                                    

NAPABUNTONG-HININGA na lamang si Marifa nang umilaw ang kaniyang phone at mag-appear sa screen ang pangalan ni Benj. For the eleventh time, ni-reject niya iyon saka tuluyan na niyang pinatay ang kaniyang phone. Ilang araw na itong paulit-ulit tumatawag at nag-te-text sa kaniya ngunit hindi niya iyon sa sinasagot.

"What are you doing?" kunot-noong tanong sa kaniya ni Jastin. Nakaupo ito sa tapat niya. They are having lunch in a fast-food restaurant near to their office. "Bakit nirereject mo ang mga tawag niya sa'yo?"

"I told you, Jastin," walang kabuhay-buhay na tugon niya rito. "Hindi ko muna gustong makipag-usap sa kaniya ngayon."

Sa pagkakataong iyon ay si Jastin naman ang napabuntong-hininga. Ibinaba nito ang hawak na kubyertos at nayayamot na tinitigan siya. Hindi niya nagawang salubungin ang paningin nito.

"Girl, kung inaakala mo na matataboy mo siya palayo sa ginagawa mo ay nagkakamali ka. If you want him to go to States, just tell him, okay? Huwag mo namang gawing kawawa yung tao, for goodness' sake!"

"That is the problem, Jas! Hindi ko alam kung anong gusto ko, okay?" Hindi ko alam kung gusto ko ba talaga siyang umalis!" hindi na niya napigil ang emosyon. Tears started beaming at the corners of her eyes. "Ang gusto ko lang naman ay makasama siya, Jas. Pero bakit gano'n? Parang parati nalang may humahadlang sa aming dalawa."

Nakakaunawang napatitig sa kaniya si Jastin. Hinila nito ang upuan palapit sa kaniya at tinapik-tapik ang kaniyang likod. Hindi na niya napigil ang sarili at tuluyan nang pumatak ang luha mula sa kaniyang mga mata.

"Naiintindihan kita, besh. I was there right from the start, remember? Na-witness ko kung paano nagkaroon ng next chapter yung lovestory ninyo." sinserong sabi nito sa kaniya habang patuloy pa rin sa pagtapik sa kaniyang likod. "Alam ko yung mga paghihirap na pinagdaanan mo just to be reunited with him, again. Kahit ako, ayokong basta nalang masayang iyon. Pero, besh, you have to get your mind straight as soon as possible. Do what you think is right to do. Be fair to both of you kasi habang pinapatagal mo ito, pareho lamang kayong nasasaktan, eh."

She sighed.

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now