Forty-five

1.3K 11 2
                                    

Two years later...

"HEY, can you help me with these?" ang untag ni Jastin kay Marifa saka inilapag sa isang table ang isang kahon. "Pinapahanap sa akin ng head yung isang issue ng magazine natin from way back two years ago month of August."

"Why?" tugon ni Marifa na agad namang lumapit sa kaibigan para matulungan ito. "Saan daw gagamitin?"

"Well, actually, ako ang may kailangan," kibit-balikat nito. "Nahihirapan kasi ako dun sa recent writing assignment ko, eh. Ang sabi ng head natin, mayro'n daw siyang natatandaang August issue from way back two years ago na almost similar sa assignment ko ngayon. So, she suggest to find that issue, and see how it's done."

Napatango-tango lang si Marifa. Sa limang taon na niyang pagtatrabaho doon, she can imagine how hard writing assignments can be at times. Kumuha siya ng isang pile ng magazine at iniahon iyon mula sa may kahon. Hindi niya napansin na may isa palang sumabit mula sa likod ng bunton na kaniyang hawak. Pagkaangat niya ay nahulog iyon sa may sahig.

"Oh, no, I got this," aniya nang akmang yuyuko si Jastin para pulutin sana iyon. She bends her back and extend her hands but she was stopped by the image of a man flashing through the open page of the said magazine. "Oh, god,"

"Hey, bakit?" wika ni Jastin na inusisa ang kaniyang hawak. Natigilan rin ito at napatitig sa kaniya nang makita kung ano iyon. "Hindi ba't 'yan yung article na sinulat mo tungkol kay Benj two years ago?"

Hindi agad nagawang magsalita ni Marifa. Pakiramdam niya ay may kung anong bumikig sa kaniyang lalamunan. Oo, siguro nga ay dalawang taon na ang nakalipas pero hindi niya maitatangging hanggang ngayon, sa tuwing makakakita siya ng anumang bagay na nakakapagpaalala sa binata ay hindi niya pa rin maiwasang hindi maapektuhan.

"T-this is not the issue you're looking for, is it?" aniya na idinaan nalang sa biro ang biglang tila pagsisikip ng kaniyang dibdib. Kinuha niya ang bin na pinaglalagyan ng drafts sa di kalayuan. Inilagay niya doon ang naturang magazine. "N-nako, itabi na nga natin ito."

"Uy, uy, umiiwas si ate mo. Hindi mo kailangang magkunwari sa harap ko, okay? Alam ko namang hindi ka pa rin totally nakakaget-over kay fafa Benj." kinuha nito pabalik ang magazine mula sa bin at pinagmasdan iyon. "Kakaloka, two years na pala ang nakalipas, ano? Kamusta na kaya ang lolo mo ngayon? Hindi mo man lang ba siya naisip na tingnan kahit sa social media man lang?"

Hindi uli siya agad nakatugon. Ang totoo, sa dalawang taong nakalipas, lagi-lagi niya itong naiisip. She blocked his account and number kaya naman mula noon ay wala na siyang naging balita rito except this one time when she accidentally saw a picture of him in the web kung saan makikita itong nakatayo sa harap ng isang malaking vet hospital kasama ang ilang mga amerikanong beterinaryo.

"Hey, don't feel bad now, okay?" sabi sa kaniya ni Jastin nang mapansin ang biglang pangingilid ng kaniyang mga luha. "Ginawa mo lang naman kung ano yung sa tingin mong tama. I'm sure he's doing okay now. Baka nga magpasalamat pa sa'yo yun kapag nagkita kayo uli."

"I really don't think magkikita pa kami uli," sabi niya rito. Pinilit niyang ngumiti sa kaibigan ngunit hindi iyon umabot sa kaniyang mga mata. "Alam mo, huwag na natin siyang pag-usapan. Let's just take a break for a while now, okay? Promise, mamaya, tutulungan kitang hanapin yung magazine issue na hinahanap mo."

Nagtungo sila ni Jastin sa bagong bukas na tea house malapit sa kanilang office. Hindi nila inaasahan na pagpasok nila doon ay bubungad kay Jastin ang babaeng iniiwas-iwasan nito. Dali-dali siyang kinayag nito sa isang dulong table kahit na hindi pa naman sila nakakaorder.

"Anak naman ng tokwa, oh! Bakit ba naman parang kabute ang babaeng 'yan. Bigla-bigla nalang sumusulpot kung saan-saan." pinahiran nito ang mukha na bigla na lamang pinawisan ng butog-butog. "Besh, umalis na tayo sa lugar na ito, please?"

"Come on, Jas! What did you tell me back then? Ang sabi mo akin, hindi ko basta-basta maitataboy si Benj so you told me talk to him, and explain everything." sabi niya rito na sinulyapan ang naturang babae. She obviously saw them already. Nakita niyang patingin-tingin ito kay Jastin. "Just tell her the truth once and for all para pareho na kayong matahimik, please."

She have no idea how she did it. Nagulat na lamang siya nang biglang tumayo si Jastin mula sa kaniyang harapan. Napapalunok na naglakad ito patungo sa kinaroroonan ng naturang babae. He approached her, at dahil malapit lamang siya sa table ng mga ito, hindi niya naiwasang maulinigan ang pinag-uusapan ng mga ito.

"A-alam mong bading ako?" hindi makapaniwalang napatitig ito sa naturang babae. "But you still like me, anyway?"

"Yes, I like you right from the moment that you walked right across our shop. Natuklasan ko na malapit lamang ang pinapasukan mong opisina. Kaya naman mula noon ay lagi ko nang inaabangan ang paglabas n'yo ng kaibigan mo para masabayan kang kumain. But not today—I swear this is purely coincidence." ngumiti kay Jastin ang babae. "I saw you one time looking at make-ups and that's how I know that you're gay. It's fine with me—gusto pa rin kita. I know it may sound mushy and everything but, I want to tell you, this day that you finally take time to talk to me is probably the best day of my life.

Hindi napigilan ni Marifa ang hindi mapangiti. Sinulyapan niya si Jastin at no'n niya lang ito nakita na gano'n ka-dumbstruck. Lalong lumawak ang kaniyang ngiti—nakakaamoy siya ng pagbabalik loob mula rito.

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now