Eighteen

1.3K 13 2
                                    

PINAGMASDAN ni Marifa ang tatlong puppies na nakapalibot sa may tiyan ni Bimbim—isang Labrador. Isinugod ito ng kapitbahay ni Benj kanina sa apartment ng binata dahil manganganak na pala ito. Palibhasa'y malayo pa ang vet hospital at gabi na kaya sa apartment na daw nito iyon idiniretso. The dog was conscious pero halatang hinang-hina ito. Marahang hinaplos-haplos ni Benj ang tiyan ni Bimbim as if easing its pain. Pinagmasdan ni Marifa ang binata habang ginagawa nito iyon. Nagbigay-daan iyon upang muling lumaganap sa kaniyang dibdib ang pamilyar na damdaming pilit niyang iniiwasan.

"Bimbim is fine now," sabi ni Benj sa pet owner nito na mukhang alalang-alala pa rin. "Pero bukas na bukas ay kailangan mo pa rin siyang dalhin sa clinic para mamonitor siya."

"Thank you, doc," mangiyak-ngiyak na saad nito habang tinitingnan ang alagang aso at ang puppies nito. "Maaasahan po talaga kayo."

Isang ngiti lamang ang tanging itinugon ni Benj rito. Ihinatid nito si Bimbim at ang puppies nito sa katapat-bahay pagkatapos. Sinigurado nito na maayos ang kalagayan ng mga ito bago nito iyon tuluyang iwanan.

"Pasensiya ka na," hinging-paumanhin nito sa kaniya matapos siyang balikan sa apartment. "Na-postpone na naman tuloy ang interview."

"Okay lang, bukas nalang uli natin ituloy." saad niya. Hindi siya makapaniwala na mismong sa bibig na niya nanggaling na bukas nalang ituloy ang interview. Gumagawa ba siya ng paraan para makita uli ito? "Ang mas mahalaga ay ligtas na si Bimbim at ang puppies niya."

Sinulyapan siya nito at napangiti. It's as if he saw something so beautiful to her. Hindi tuloy naiwasang mamula ang mga pisngi niya.

"You really love dogs, aren't you?" nakangiti pa ring sabi nito sa kaniya. "By the way, I remember you have a dog back in college. Si Almond? Kumusta na siya?"

"Oh," aniya na hindi naiwasang malambungan ng pangungulila ang mga mata nang maalala ang alaga. "Four years old na si Almond ngayon. Nakadalawang beses na rin siyang nanganak. Noong unang beses, dalawa yung naging puppies niya sina Kisses at Nougat. Noong pangalawang beses naman, tatlo yung naging puppies niya kaya lang dalawa lang yung naka-survive sina Cookie at Peanut. Malalaki na rin sila at kasing-kulit nila yung mama nila. Kaya lang, magmula nang matanggap ako sa pinagtatrabahuhan ko ngayon, kinailangan ko silang iwan kina nanay kaya madalang ko nalang silang makita."

"Almond's puppies have cute names just like her," nakangiting saad nito. "You must really miss them."

"Sobra," tugon niya saka napabuntong-hininga. "Mahal na mahal ko si Almond—siya ang nagsilbing bestfriend ko na puwede kong masabihan ng mga bagay na hindi ko masabi sa ibang mga kaibigan ko o sa kahit na kaninong tao. Ang stress reliever ko kapag nalulungkot at nadedepress ako. Siya rin ang naging dahilan kung bakit ako napalapit sa—"

Hindi na niya nagawa pang ituloy ang kaniyang sinasabi. Napatingin siya kay Benj. Nakita niyang nakatitig rin ito sa kaniya. Mukhang kahit na hindi niya nagawang ituloy ang sinasabi ay alam na nito ang kadugtong niyon. Hindi niya alam kung imahinasyon niya lang, but as she look into his eyes right now, he could see regret. Somehow, hindi niya naiwasang hindi mapatanong kung ang pagsisisi kayang natatanaw niya sa mga mata nito ay para sa pambabalewala nito sa kaniyang damdamin four years ago.

"I-It's getting late," napapalunok na wika niya. Kinuha at isininop na niya ang kaniyang mga gamit. "I-I think I should go."

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora