Thirteen

1.4K 18 4
                                    

PINAGMASDAN ni Marifa ang hawak na papel na naglalaman ng address ng vet hospital kung saan nagtatrabaho si Benj. Nakuha niya iyon kay Mary Ann na isa rin sa mga nabigyan ng writing assignment patungkol sa tatlong vets. Sa wakas ay nakumbinsi na rin niya ang sarili na harapin si Benj nang sa gayon ay masimulan na niya ang article na isusulat rito. There is nothing that I should be ashamed of anymore, sabi niya sa sarili. Huminga siya nang malalim saka nagsimulang maglakad. Subalit nakakailang hakbang pa lamang ay agad na rin siyang napapihit pabalik. Nakita kasi niyang palabas si Benj at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla na naman siyang inatake ng matinding nerbiyos—kaparis rin sa tuwing makikita niya ito noong nasa kolehiyo pa sila.

"Sige, pare," paalam ni Benj kina Arjay at Crossby. "Kita-kita nalang tayo sa weekend sa susunod na medical mission."

Tumango at kumaway sa kaniya ang dalawa bago sila tuluyang maghiwa-hiwalay. Pupuntahan na sana niya ang kaniyang sasakyan nang mamataan si Marifa. Parang papasok ito ng vet hospital, but for some reason, nang makita siya nito ay bigla nalang pumihit at naglakad pabalik sa pinanggalingan.

"Marifa?" ibinulsa niya ang kaniyang car keys at dali-daling hinabol ito. "Hey, sandali lang, Marifa!"

Napahinto sa mabilis na paghakbang si Marifa. Nakagat niya ang kaniyang labi at napapikit nang mariin. Bakit ba naman kasi hindi nalang siya tumuloy kanina? Nagmukha ka na namang tanga sa paningin niya, Marifa! Way to go! inis na kastigo niya sa sarili. Wala na siyang nagawa. Hinarap niya ito.

"H-hey," ang nagkakanda-utal na salubong niya rito. Hiyang-hiya siya. Parang gusto nalang niya na bumuka ang lupa at lamunin siya. "H-hi!"

"Hi," ganting-bati naman nito. He looks a bit distracted by her strange behavior. "Um, a-anong ginagawa mo rito?"

That, ang naisaloob ni Marifa. Sa isang iglap ay tila nakalimutan na naman niya ang lahat ng nirehearsed niya kanina bago siya magpunta doon. Nasaan na yung 'act cool' na sinasabi mo kanina, Marifa? inis na sabi niya sa kaniyang isip.

"Um, well, I-I don't know kung nabanggit na sa'yo ng mga co-vets mo. You see, writer kasi ako sa isang magazine and kung okay lang sana gusto namin gumawa ng different feature articles about sa inyo. Viral kasi ngayon yung free medical mission sa mga iba't-ibang animal shelter na isinasagawa ninyo, eh." Napalunok siya. "S-so, ayun nga, kung okay lang sana mag-conduct ako ng interview sa'yo."

"Oh," napatango-tango si Benj. Kung gano'n ay iyon pala ang nabanggit sa kaniya nina Arjay at Crossby noong isang araw. "Well, okay lang naman. Pero pauwi na kasi ako, eh. Ayos lang ba kung sa apartment ko nalang natin isagawa yung interview?"

She can't help but say yes.

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon