Seventeen

1.3K 16 2
                                    

NAPALUNOK si Marifa habang nakatayo sa may harap ng apartment ni Benj. Hindi na niya ito pinuntahan sa may vet hospital at dumiretso na siya sa apartment nito. Iniiwasan kasi niyang maulit uli yung nangyari matapos siya nitong ihatid kahapon. Humugot muna siya nang isang malalim na hininga bago niya tuluyang kumatok.

"Hey," ang bungad nito nang makita siya. Niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto. "Come in."

Pumasok naman siya kagaya ng sinabi nito. Mukhang kakadating lang nito galing vet hospital. Hindi pa kasi ito nakakapagpalit ng damit.

"Maupo ka muna," sabi nito sa kaniya na iminuw ang couch. "Magpapalit lang ako sandali ng damit."

Isang matipid na "okay" lamang ang kaniyang itinugon rito. Nagtungo siya sa couch at naupo doon. Habang hinihintay niya ito ay nakaramdam siya ng tawag ng kalikasan. Sinubukan niyang pigilan pero hindi na talaga niya kaya. Tumayo siya at sinubukang hanapin ang banyo ng apartment nito subalit tila umurong ang likido na kailangan niyang ilabas nang mapadaan siya sa kuwartong pinasukan nito. Bahagya lamang nakasara iyon kaya naman tanaw pa rin ang binata sa loob. Kasalukuyan itong nagsusuot ng pang-itaas. Natulala siya at hindi nakagalaw. Natauhan lamang siya nang bigla itong humarap. Huli ka balbon!

"S-sorry! Sorry!" bigla ang kaniyang pagtalikod. Pulang-pula ang kaniyang pisngi sa kahihiyan. "I-I was looking for the bathroom."

Naaaliw na pinagmasdan siya ni Benj. Naalala nito bigla yung mga pagkakataong makakasalubong niya ito sa campus at bigla nalang itong tatalikod o kaya ay lilihis ng daan. Why, she never changed! Kung gano'n pa rin ito ka-apektado sa kaniya, posible kaya na may nararamdaman pa rin ito para sa kaniya?

"Bathroom's on the left side," ang tugon niya rito nang makabawi. "Katapat ng laundry area."

Hindi na nagawa pang tumugon ni Marifa. Dali-dali na siyang nagtatakbo patungo sa direksyong sinabi nito. Sa sobrang kahihiyan sa nangyari ay hindi niya makuhang lumabas ng banyo pagkatapos. Kung kasya nga lang sana siya sa maliit na bintana niyon ay inakyat na sana niya iyon para lang makatakas. No, kailangan mong lumabas, okay? Chill. Act normal, pagkumbinsi niya sa sarili. Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumabas. Naabutan niya itong nakaupo sa may sala. Kahit na naiilang pa rin ay naupo siya sa may harap nito.

"S-so," saad niya. Hindi niya pa rin makuhang tingnan ito nang diretso sa mga mata. "S-shall we start?"

"Okay," tugon naman nito na mukhang binalewala na rin ang nangyari kanina. "What's your first question?"

"Um, let's see, my first question is," pinindot niya ang mini-disc recorder at binuklat ang folder na naglalaman ng interview questions. "When did you start—"

Subalit hindi na niya nagawa pang ituloy ang kaniyang sinasabi. Natigilan siya nang makarinig nang sunod-sunod na katok sa front door ng apartment nito. Pagbukas nito ng pinto ay bumungad sa kaniya ang isang babae na may bitbit na isang aso!

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon