Twenty

1.3K 12 0
                                    

NAPABUNTONG-HININGA si Benj habang binabasa ang text message na ipinadala sa kaniya ni Marifa. Hindi raw muna ito makakapunta sa kaniyang apartment para ituloy ang interview nito sa kaniya na dalawang beses nang napurnada. Hindi na nito nabanggit kung anong dahilan, gayunman, tila nagkaroon na siya ng kutob. Last night, she accidentally opened up the topic about how she used her dog, just to know him and be close to him.

Hindi niya alam kung guni-guni niya lang pero, habang tinitingnan niya ito kagabi, hindi niya maiwasang matanaw ang isang pamilyar na emosyong madalas niya ring makita sa mga mata nito noong nasa kolehiyo sila. It was love and admiration—the most genuine that anyone has to offer to him. Hindi niya tuloy maiwasang umasam ngayon na sana ay hindi pa tuluyang naglalaho ang nararamdaman nito sa kaniya.

Alam niyang hindi tama ang kaniyang iniisip. For all he know, may kasintahan na ito ngayon. Pero hindi na niya kaya pang itanggi sa sarili ang kagustuhang muling mapalapit sa dalaga, at kung pagbibigyan uli ng tadhana, matugunan ang pagsintang sinubukang inialay nito sa kaniya noon. Ang pagsintang binalewala niya dahil mas pinili niya ang kaniyang pangarap—ang maging isang ganap na beterninaryo. He can't help but regret the fact that he turned her down before, because now that he already achieved his dreams, he wants her more than ever.

Ihinimpil ni Benj sa may seaside ang kaniyang sasakyan. Nagmadali siya sa pag-uwi dahil sabik siya na muling makita si Marifa, subalit ngayong hindi iyon mangyayari, naisipan niyang maglakad-lakad nalang muna sa may seaside. Nagtatalo ang utak at puso niya sa mga nangyayari at gusto niya munang makapag-isip-isip. It did calm his mind—ngunit sandali lang. Agad rin siyang muling na-distract nang matanaw mula sa di kalayuan ang lalaking kaagaw niya ngayon sa puso ni Marifa. Walang iba kung hindi ang boyfriend nitong si Jastin. Nakatayo ito sa isang stall sa may night market at wari'y wiling-wili sa pagbili doon. Napalunok siya—babalewalain na lamang san niya ito subalit hindi niya napigil ang sarili. Nilapitan niya ito.

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now