Twenty-two

1.3K 15 0
                                    

NAGUGULUHANG napasulyap si Benj kay Jastin. Kahit noong una pa lamang itong ipakilala sa kaniya ni Marifa ay nagkaroon na siya ng alinlangan sa kasarian nito. Lumakas ang kaniyang hinala nang makita niya ito ngayong nakatayo sa harap ng isang make-up stall at may hawak na mga lipstick. And now, he could say, he's already convinced after hearing what the woman from the stall called him.

"Okay," sabi nito sa kaniya na hindi naiwasang mapabuntong-hininga nang malalim. "Magpapaliwanag ako."

Tumango siya. Kinayag siya ni Jastin sa mga bakanteng benches malapit sa may seaside. Doon na nito sinimulang i-kwento sa kaniya kung ano ba talaga ang totoong nangyayari.

"S-so, you're actually gay?" ang hindi makapaniwalang tanong niya rito matapos nitong aminin sa kaniya ang totoong kasarian. "B-but how about Marifa? She said you're his boyfriend? Is that true?"

Sa hindi na niya mabilang na pagkakataon ay muling napabuntong-hininga si Jastin. Patawarin mo ako, besh, ang lihim niyang naisaloob nang maalala ang kaniyang kaibigan. Gustuhin man niyang patuloy na pagtakpan ito ay tila tadhana na rin ang gumawa ng paraan para ibuko kay Benj ang mga kabaliwan nito.

"No. That is also a lie. Hindi totoong may relasyon kami," napapalunok na pag-amin nito kay Benj. "Inakala mo na may namamagitan sa amin kaya naisipan niya na huwag nalang itama yung maling hinala mo."

"W-what?" gulong-gulong naisabulalas ni Benj. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi itinama ni Marifa ang maling hinala niya ukol sa mga ito. "B-but why would she do that?"

Hindi kaagad nagawang tumugon ni Jastin. May pag-aalinlangang sinulyapan siya nito. Pagkuwan ay muli itong napabuga ng hangin.

"Benj, hindi ka naman siguro nagka-amnesia, di ba? Hindi mo naman siguro nakalimutan na binasted mo yung kaibigan ko before. Obviously, nasaktan siya sa nangyari." sumbat nito sa kaniya. "Nang akalain mo na may relasyon kami, naisip niya na gawing way yun para ibangon yung image niya sa'yo, dahil ayaw na niyang magmukhang kaawa-awa uli sa paningin mo."

"But that's insane! I never see her that way! To be honest, I..." hindi kaagad niya nagawang ituloy ang sinasabi at napalunok. "I regret what happened before and wanted to reconcile and be close to her, again."

Nagliwanag ang mukha ni Jastin sa narinig. Tila nakahinga naman ito nang maluwag. Tinapik-tapik nito ang kaniyang balikat.

"Then gorabels! Wag nang maraming eklat at gumawa ka ng paraan para maipaalam sa kaniya na gusto mo siyang bumalik sa buhay mo. Gamitin mong way yung interview niya sa'yo!" nagniningning ang mata na sabi nito. "Promise, makakaasa ka sa cooperation ko."

Napangiti siya rito. Right, ang nabuhayan ng loob na naisaloob niya. He knows exactly what to do now.

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now