Fifteen

1.4K 20 3
                                    

NAPALUNOK si Marifa nang mag-sink-in sa kaniya kung anong nangyari. Napatid siya at ngayon ay nakadukdok siya sa may dibdib ni Benj habang nakayakap ang kaniyang mga braso sa may bewang nito. A part of her wants to let go pero mas malaki ang bahagi na tutol doon. For some reason, ngayong naranasan niyang mayakap ito, it feels like there's no place she'd rather be than in his loving arms. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob pero dahan-dahan siyang nag-angat ng paningin. Nasalubong niya ang mapupungay nitong mga mata na titig na titig rin sa kaniya. Lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Wala siyang ibang gusto nang mga sandaling iyon kung hindi ang madampian ng halik ang mga labi nito subalit biglang umarangkada ang kontrabida niyang isip na nagparealize sa kaniya na hindi tama ang nangyayari. Dali-dali siyang bumitiw rito.

"G-god, I'm so clumsy!" aniyang hindi magawang tumingin dito nang diretso sa sobrang pagkailang. "I-I'm sorry,"

"It's okay," sabi naman nito na halatang disoriented rin sa nangyari. "Ang mahalaga nasalo kita at hindi ka na-injure."

Sinalo mo ko ngayon pero dati hindi, ibig-ibig niyang isumbat rito pero pinigilan niya ang sarili. Sa halip ay isang matipid na ngiti na lamang ang itinugon niya rito. Niyaya na siya nitong pumasok sa loob ng apartment nito. Katamtaman lamang ang laki niyon pero kumpleto sa gamit. Kapansin-pansin rin ang nakakalat na estante na puno ng sari-saring veterinary books.

"So, do you want to start the interview right away?" tanong nito sa kaniya. "I have pizza in the kitchen if you want to..."

"No, it's okay," tanggi niya. She had enough of this day. Gusto niya nalang na matapos na agad ang interview para makaalis na siya at mapalayo na sa presensiya nito. "Simulan na agad natin para matapos na agad."

Binuksan niya ang kaniyang bag. Kukunin niya sana doon ang folder na naglalaman ng mga itatanong niya rito pati na rin ang kaniyang mini-disc recorder. Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa nang matuklasan na wala iyon sa kaniyang bag. She checked twice baka kasi nando'n lang pero sa kasamaang palad ay wala talaga. 'Langya, sa lahat naman bakit iyon pa ang kaniyang naiwan!

"Hey, is everything okay?" sabi nito nang mapansin ang biglang paglaglag ng kaniyang mga balikat. "May problema ba?"

"Naiwan ko yung questions at mini-disc recorder ko," napapabuntong-hininga na sabi niya rito. "I can't do this interview kapag wala ang mga 'yon."

Hindi niya alam kung imahinasyon niya lang. She saw the corners of his lips lit up. Natutuwa ba ito na napurnada ang interview?

"You know, we can do the interview tomorrow," pagkuwan ay sabi nito sa kaniya. "But for now, I guess, we could have a couple of pizza."

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora