Twenty-six

1.2K 13 0
                                    

"OH, PLEASE!" nagsusumamong sabi ni Marifa kay Jastin. Buong maghapon na siyang bumubuntot-buntot rito. Ayaw niya itong tigilan hanggang hindi niya ito nakukumbinsi sa kaniyang ibig mangyari. "Pumayag ka na kausapin si Benj, sige na naman, Jas!"

Napabuga nalang ng hangin si Jastin. Kagaya ng maghapon na niyang ginagawa ay binalewala na lamang niya uli ito. Sa halip ay isinukbit niya ang kaniyang bag at tuloy-tuloy nang lumabas ng kanilang opisina.

"Uy, Jas!" patuloy na pangungulit nito sa kaniya. Hinila pa nito ang handle ng kaniyang bag. "Kung gusto mo, ililibre kita ng lunch buong week pumayag ka lang, please!"

Napakamot ng ulo si Jastin. Naiimbiyerna na talaga siya sa kaibigan. Hindi niya alam kung paano sasabihin ritong kahit pumayag pa siya sa ibig nitong mangyari ay wala na rin iyong magagawa dahil buko na ni Benj ang kalokohan nilang dalawa. Sasabunutan na lamang sana niya ito nang kapwa sila matigilan matapos may humintong kotse sa kanilang harapan. Naramdaman niya ang pagkayanig ng mundo ng kaibigan nang iluwal niyon si Benj.

"Hello!" ang bati sa kanila ng guwapong binata. Kahit tila ba pagod na sa maghapong trabaho ay fresh pa rin ang hitsura nito. "Pauwi na kayo?"

Ilang sandaling nakamaang na nakatitig lamang dito si Marifa. Pagkuwan ay tumikhim ito nang tila makabawi. Sa gulat ni Jastin ay bigla na lamang nitong hinila ang isang braso niya at ipinalupot doon ang dalawang kamay.

"Y-yeah, pauwi na kami ni Jas," sabi nito sa binata na pinilit pumormal kahit halatang tensyonado. "A-ano palang ginagawa mo rito?"

"Oh, I just want to know if you already considered going to the symposium with me," tugon ni Benj na pinigilang matawa sa patuloy na pagpapanggap ng dalaga. "Sa weekend na kasi yung symposium. I need us to get registered as soon as possible."

Hindi napigilan ni Marifa ang sarili na hindi mapalunok. Pasimple niyang kinurot ang braso ni Jastin na hawak niya saka niya ito sinulyapan. A stare that says Come on, I need help here.

"Babe, di ba may plans tayo sa weekend?" siya na ang unang gumawa ng move nang manatiling nakatitig lamang sa kaniya si Jastin. "Come on, please tell Benj about our plans kaya hindi ako pupuwedeng sumama sa kaniya sa symposium."

Sa pagkakataong iyon ay si Jastin naman ang napalunok. Nabaling ang paningin nito kay Benj na nakatayo sa kanilang harapan. He's obviously trying his best not to laugh but the amuse grin written on his lips failed to hide that fact. Napabuga siya ng hangin—that's it! Hindi niya alam kung bakit patuloy na nagtataguan ng feelings ang mga ito pero ito na ang oras para tuldukan niya iyon. Ayaw na niyang makigulo pa sa love dilemma ng mga ito.

"I'll tell you what, babe," sabi niya na tinanggal ang mga kamay nitong nakapalupot sa kaniyang braso. "You can cancel about our plans this weekend and you can go to the symposium with Benj."

"Huh?" gulat na naibulalas ni Marifa. Pinanlakihan siya nito ng mga mata. Nagtatanong, nananakot, at nakikiusap ang mga iyon. "P-pero, babe?"

"Sshh, it's okay babe, huwag ka nang magsalita," isinara niya ang bibig nito saka bumaling kay Benj. "Oh, pa'no, p're? Ikaw nang bahala kay Marifa, ha? I-accomplish n'yo nang maayos yung task na kailangan ninyong i-accomplish doon, okay?"

Nagningning ang mata ni Benj na halatang nakuha ang key words ng huling tinuran nito. Ngumiti ito sa kaniya saka sumulyap kay Marifa na noo'y mistulang pinagbagsakan ng langit at lupa. This time, he told himself, he would surely accomplish the task of making her fall for him once again.

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now