Forty-six

1.3K 10 1
                                    

BILING-BALIKTAD sa kaniyang higaan si Marifa kinagabihan. Hindi mawala sa kaniyang isip ang insidente kanina sa opisina kung saan hindi sinasadyang natagpuan niya ang magazine article na isinulat niya tungkol kay Benj two years ago. Paulit-ulit ding bumabalik sa kaniyang isip ang mga sinabi kanina sa kaniya ng kaibigang si Jastin.

"Ginawa mo lang naman kung ano yung sa tingin mong tama. I'm sure he's doing okay now. Baka nga magpasalamat pa sa'yo yun kapag nagkita kayo uli."

Sa totoo lang, hanggang ngayon, hindi niya matukoy sa sarili kung tama nga ba ang kaniyang naging desisyon na pakawalan ito. There are times when she can't help but cry because of regret. After all, siya ang pinili nito ngunit pinakawalan niya pa rin ito. Naiisip niya, paano kaya kung hindi niya ito pinakawalan? What if, instead of going away, he stayed by her side? She tried to picture them happily together for two years pero hindi niya magawa. And that's when she know, na somehow, tama ang kaniyang naging desisyon niya. Paano nga naman kasi niya magagawang tunay na maging maligaya gayong alam niya na isang pangarap ang ninakaw niya rito? Dahil ayaw pa ring dapuan ng antok, naisipan niya na lumabas na lamang muna. Kinuha niya ang kaniyang jacket at nagpunta sa may seaside. Hindi pa naman gaanong malalim ang gabi noon kaya naman marami pa siyang naabutang tao doon. Naglakad-lakad siya gaya ng unang plano ngunit natigilan siya nang mapansin ang eksaktong lugar kung saan sila huling nagka-usap ni Benj. Sa isang iglap ay tila hinila siya pabalik sa araw na iyon. At the back of her head, she could still see his image sitting on that spot, as she bid goodbye to him. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na nakita niya itong umiyak.

"Ay, lintik kang aso ka!" ang marahas na tinig ng isang lalaki na biglang nakapagpabalik sa diwa ni Marifa sa kasalukuyan. "Tumabi-tabi ka nga at huwag kang hahara-hara sa daan!"

Napalingon si Marifa sa pinanggalingan ng naturang tinig. She saw a stray dog weeping in pain. Sa kaniyang palagay ay may injury ang isang paa nito ngunit sa halip na tulungan ng naturang lalaki ay sinipa pa nito iyon saka walang lingon-likod na naglakad palayo na parang walang nangyari. Marifa's heart suddenly ache for the injured dog. Dali-dali siyang nagtungo sa kinaroroonan nito.

"Hey there, little fella," sabi niya na himas-himas ang ulo nito para kumalma ito. "Don't worry, we're going to get you help, okay?"

Kahit na alam niyang gabi na at posibleng wala nang bukas na vet clinic sa mga oras na iyon ay hindi niyon napigilan si Marifa upang tulungan ang kawawang aso. Binuhat niya ito, but as she try to cross the street, isang sasakyan ang bigla na lamang sumulpot. Napatili siya at nayakap niya nang mahigpit ang naturang aso sa pag-aakalang masasalpok talaga sila niyon. Mabuti na lamang at nagawa kaagad magpreno ng driver niyon.

"Oh my goodness!" nabiglang litanya ng naturang driver na bumaba mula sa loob ng kotse. "Are you okay?"

Marifa was outraged. Sisinghalan niya sana ang naturang driver ngunit agad ding tumiklop ang kaniyang mga dila nang mapagmasdan ang mukha nitong kailanman ay hinding-hindi niya makakalimutan. Ilang sandaling pigil-hininga at walang kurap na nakatitig lamang siya rito bago lumabas sa kaniyang bibig ang pangalang, "B-benj?"

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now