Eight

1.5K 17 1
                                    

"SORRY na, besh!" pangungulit sa kaniya ni Jastin na buong araw nang buntot nang buntot sa kaniya. "Ikaw naman kasi, bigla ka nalang nangungurot, naituro tuloy kita!"

"Kasalanan ko pa ngayon, bushet ka!" inis na sikmat niya rito. "Kakapakita ko pa lang sa'yo ng account ni Benj, hindi ba?"

"Eh, nawala sa isip ko, besh," kagat-labing tugon nito. "Kasi naman, ang hot ni Alex, na-distract tuloy ako."

Napabuga siya ng hangin. Parang walang kinabukasan na nagtungo siya sa may plant box sa harap ng kanilang office. Doo'y naupo siya at nangalumbaba. Sa loob lamang ng isang araw, dalawang kapalpakan ang kaniyang nagawa.

"Come on, this can't be so bad!" sabi sa kaniya ni Jastin na lumapit at naupo sa kaniyang tabi. "If you're going to consider, magiging madali lang sa'yo ang writing assignment na ito. You knew this Benj since college. You're basically almost lovers!"

"Almost kasi nga binasted niya ako!" sikmat niya rito na may halong paghihinanakit. "My goodness, I can't do this, Jas! Do you realize that doing this writing assignment requires me to see him and have a one on one interview with him? At hindi pa ako handang harapin uli siya! Nakita mo naman kung paano ako nag-react nang aksidente ko siyang makita sa may fast food restaurant, hindi ba?"

"I know, but what can we do?" kibit-balikat na sabi nito sa kaniya. "Our head assigned you the task, and we all know by heart that once she gave someone an assignment, there is no turning back."

Lalo siyang namroblema nang ipaalala nito sa kaniya kung gaano ka-mamaw ang kanilang head. Minsan siyang nagreklamo sa kaniyang assignment at sa halip na pakinggan siya ay lalo lamang nitong dinagdagan ang trabaho siya. She sighed in desperation.

"Kasalan mo ito, eh!" ihinampas niya rito ang hawak na folder na naglalaman ng kaniyang panibagong assignment. "I hate you!"

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now