Prologue

5.7K 54 7
                                    

PANAY ang buntong-hininga ni Marifa habang nakaupo sa isa sa mga benches sa may hallway ng College of Veterinary Science and Medicine (CVSM). Pakiramdam niya ay nakipagkarera siya sa mga kabayo sa sobrang bilis ng tibok ng kaniyang dibdib. Nanginginig ang kaniyang mga kamay pati na rin ang kaniyang mga tuhod. Namamawis ang kaniyang kilikili kahit na makulimlim naman ang panahon. Nasaan na kaya siya? ang naisaloob niya pagkatapos sumulyap sa oras sa kaniyang cell phone sa ika-pitong pagkakataon. Nag-angat siya ng paningin mula sa screen niyon, at sa isang iglap, natigilan siya nang mamataan niya ang binatang kanina pa niya hinihintay: si Benj.

"Hi," ang bati nito sa mababa nitong boses na mistulang musika sa kaniyang pandinig. "Pasensiya na kung natagalan ako, ha?"

Subalit mistulang hindi iyon rumehistro sa kaniyang pandinig. He came, he really came, ang hindi magkandatutong bulalas niya sa kaniyang isipan. She can't make herself believe that she was standing a few inches away from him—abot-kamay at puwedeng-puwedeng mahawakan.

"H-hi," napatayo siya bigla na mistulang noon lamang natauhan. Nawala sa loob niya na nakalapag lamang pala sa kaniyang kandungan ang kaniyang cell phone. Nahulog tuloy iyon sa may sahig pagtayo niya. "Oh, shoots!"

Natatarantang dali-dali siyang yumuko para pulutin iyon. She have no idea that Benj was about to do the same thing. Nagkasabay sila sa pagyuko at aksidenteng nagtama ang kanilang mga ulo.

"Ouch," kinapa niya ang nasaktang ulo subalit agad ring natigilan nang makita si Benj sa kaniyang harap. Kapa-kapa rin nito ang sariling ulo. Biglang namula ang kaniyang mga pisngi sa labis na kahihiyan. "Oh my God, I'm sorry!"

"It's okay," sabi naman ni Benj na ngumiti sa kaniya. As usual, mistulang nagmalfunction na naman ang kaniyang utak sa ngiting ipinagkaloob nito. Pinulot nito ang kaniyang cell phone na naiwang nakalapag sa may sahig at inabot sa kaniya. "Here,"

Namumula pa rin ang mga pisngi na inabot niya iyon at inilagay sa pinakailalim na bahagi ng kaniyang bag. Pahamak, sa isip-isip niya. Nagyaya na ito na lumabas sila ng CVSM pagkatapos dahil pinagtitinginan na sila ng mga estudiyanteng naroroon. Habang naglalakad palabas ay hindi niya makuhang tumingin rito. Nahihiya pa rin siya sa nangyari, pero higit doon, mas kinakabahan siya sa pagsasagawa ng kaniyang ultimate confession.

"Ah, heto na pala yung mga libro mo," maya-maya ay pagbasag nito sa katahimikang namamagitan sa kanila. "Thank you pala sa pagpapahiram, ha?"

"Ah," alanganing napangiti siya. Kinuha niya ang paperbag na siya ring pinaglagyan niya ng mga librong ipinahiram niya rito bago matapos ang nakaraang semestre. "Y-you're welcome."

One year ago, Benj have no idea who she is. Pero nagbago ang lahat mula nang lakas-loob siyang kumonsulta rito tungkol sa alagang aso. Iyon ang naging daan upang makilala at mapalapit siya rito. Sa lalaking ilang taon na rin niyang lihim na itinatangi.

"Kamusta na pala yung aso mo?" pagkuwan ay muli nitong pagbubukas ng panibagong usapan. "Nagkakasakit pa ba siya?"

"H-hindi na," natetensyon na tugon niya rito. "Noong huli kasi namin siyang dinala sa vet ay pinakumpleto na namin yung bakuna niya."

Napatango-tango si Benj habang siya naman ay napalunok. Habang tumatagal ay mas lalong lumalawig ang tensyon na kaniyang nadarama na wari ba ay may nakakabit na time bomb sa kaniyang dibdib. It's now or never, sabi niya sa sarili bago humugot ng isang malalim na hininga. Kailangan na nitong malaman ang kaniyang nararamdaman once and for all.

"Um, listen, Benj," pagsisimula niya nang sa wakas ay maka-ipon na ng sapat na lakas ng loob. "M-may gusto sana akong sabihin sa'yo, eh."

"Oh, okay." saad naman nito na huminto sa paglalakad at hinarap siya. "Ano ba yung gusto mong sabihin sa akin?"

Sa ikalawang pagkakataon ay napalunok siya. Sinalubong niya ang mapupungay nitong mga mata na tila laging inaantok. Sa isang iglap, biglang nanariwa sa kaniyang isipan ang lahat ng kaniyang kagagahang ginawa mapalapit lamang rito. Ang mga panahong inaabot siya ng dilim at ulan makasabay lamang ito sa pag-uwi. Yung mga gabing umiiyak siya sa tuwing may mababalitaan siyang babaeng tinutukso rito. Kumuyom ang kaniyang mga palad—she has every right to confess everything.

"B-benj, I don't know how to say this pero gusto kita, matagal na. Ikinonsulta ko sa'yo yung aso namin kasi gusto ko na makilala ka at mapalapit ako sa'yo. I thought I can live with being just friends with you pero hindi pala kasi araw-araw ay lalo lamang lumalawig yung nararamdaman ko para sa'yo. So, I decided to confess with a little hope na sana..." her lips quivered a little. "Sana matugunan mo yung nararamdaman ko."

Benj was silent for a while. Kakikitaan ng pagkagulat ang mukha nito ngunit hindi katulad ng kaniyang inasahan. May pag-aalinlangang sumulyap ito sa kanya.

"Jeez, Marifa, I'm..." napalunok ito na animo'y hindi malaman kung anong susunod na sasabihin sa kaniya. "I'm really flattered."

The corner of her lips lit up. Ang kaniyang puso ay lihim na umasam na magagawa nga nitong tugunan ang kaniyang damdamin. Hanggang sa...

"But, I'm sorry, I'm afraid I can't offer you anything right now." ang pahayag nitong halos dumurog sa kaniyang buong pagkatao. "Sana maintindihan mo."

Wasak.

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now