Thirty-nine

1.1K 12 0
                                    

HINDI maawat ni Marifa ang sarili sa pagngiti habang binibigyan ng pagkain ang mga alagang aso na si Almond at ang mga anak nitong sina Kisses, Nougat, Cookie, at Peanut.

"Namiss ko kayo," sabi niya sa mga alaga habang isa-isang hinihimas ang makakapal na balahibo ng mga ito. "By the way, may good news pala ako sa inyo—may daddy na kayo!"

Sa kung anong hindi maipaliwanag na dahilan ay mistulang naunawaan ng mga aso ang kaniyang tinuran. Naglingunan ito sa kaniya. Nakalawit ang mga dila na wari ba ay masayang-masaya para sa kanya.

"Oo, tama ang dinig ninyo. May daddy na kayo. He's a vet kaya siguradong hindi niya lang kayo mamahalin na tulad ko kung hindi maalagaan niya rin kayo." Pagkasabi niya niyon ay tumahol si Almond. Lalong lumawak ang kaniyang ngiti. Lumapit siya sa aso at hinimas ang ulunan nito. "You're right, Almond, it's Benj."

Nagsunod-sunod ang tahol ng naturang aso na mistulang nakilala ang pangalan na kaniyang binanggit. Hindi niya napigilan ang sarili at nayakap niya ang aso. Nararamdaman niyang masaya ito para sa kaniya.

"Thank you, Almond," mauyong wika niya rito pagkatapos. "Masayang-masaya rin ako kung alam mo lang."

Pagkatapos mapakain ang mga alaga ay naka-receive siya ng text mula kay Benj. Nagpaalam ito sa kaniya na mauuna nang lumuwas dahil kailangan nitong ipasa ang report na ginawa patungkol sa nakaraang symposium. Hindi niya ipinaalam rito na luluwas na rin siya ng araw na iyon. Gusto niya kasi itong sorpresahin pagkabalik niya. I-pinag-bake niya ito ng cookies at sa halip na sa inuupahang boarding house dumiretso ay sa may vet hospital siya tumuloy. Nagtungo siya sa opisina nito—wala siyang kaalam-alam na sa halip na ito ang masorpresa ay siya pala ang siyang masosorpresa sa mga maririnig.

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now