Thirty

1.2K 14 0
                                    

NAGISING si Marifa nang sumambulat ang liwanag ng sikat ng araw sa bintana ng kanilang room. Sa kaniyang palagay ay pasado alas-siyete na nang umaga. Sinulyapan niya ang kama na hinigaan ni Benj sa kabilang panig ng room—bakante na iyon. Napapabuntong-hiningang bumangon na siya nang tuluyan. Hindi niya alam kung bakit niya nasabi ang bagay na sinabi niya rito noong nakaraang gabi. To be honest, she thought she was saying those things inside her head. Hindi niya akalain na natuluyan pala iyong lumabas sa kaniyang bibig. Naghilamos siya, nagtoothbrush, at nagpalit ng damit saka siya nagtungo sa may dining area para hanapin si Benj. Natagpuan niya itong mag-isang nagkakape sa isang panggitnang table.

"Hey," ang pukaw niya rito. Hindi niya halos ito matingnan sa mga mata. Naiilang pa rin siya sa nangyari kagabi. "I-I'm sorry,"

"It's okay," ngumiti ito sa kaniya. "Hindi pa naman nagsisimula uli yung program so tamang-tama lang din ang gising mo."

Napakagat-labi si Marifa. Hindi naman ang tanghali niyang paggising ang ihinihingi niya ng tawad rito kung hindi ang hindi inaasahang outburst niya kagabi. Whether he knew about about that or not—she chose to left things at that. Naupo na siya sa tapat nito para magkape. Ilang sandali pa at muli na silang ininform na magsisimula na ang second day ng symposium kaya nagtungo na sila sa may events area. Different researches about veterinary medicine were presented. Kahit na hindi siya sigurado kung kailangan niyang mag-take ng notes tungkol doon ay nag-take nalang din siya. She needs to do something to take her mind off—or maybe not really. Pagkalipas kasi ng halos dalawang oras ay nakaramdam siya ng pag-aasam na muling hahawakan ni Benj ang kaniyang kamay kaparis ng ginawa nito kahapon. She's obviously using the note-taking trick to be able to hold his hand again. Kaya naman gayon na lamang ang kaniyang pagkadismaya nang umalis ito at hindi mangyari ang kaniyang inaasahan.

"Excuse me," paalam nito sa kaniya nang papatapos na ang pinepresent na huling research. "I'll just have to do something."

Tumango nalang siya kahit ang totoo ay masukal ang kaniyang loob. Ano at tila bigla na lamang itong nanlamig sa kaniya ngayon? Maybe it's because of her outburst. God, she really should've forbid herself to do that! Pero, teka nga, hindi ba't iyon naman ang gusto niya? Ngayon na ito na mismo ang umiiwas sa kaniya ay mas mapapadali ang pagsupil niya sa feelings niya rito. Pero bakit gano'n? Hindi siya masaya. She wants his attention back!

"Thank you, Mr. Santos for that very informative presentation," wika ng host na hindi halos namalayan ni Marifa dahil sa labis na pag-iisip kay Benj. "Now, as requested by him, let us give a round of applause to one of our delegates that will prove to us that vets are not just walking otoscopes but humans with real talent too—ladies and gentlemen—Dr. Joseph Benjamin Buencamino."

Umalingawngaw ang palakpakan sa buong lugar. Samantala, mistulang may mga daliring pumitik naman sa harapan ni Marifa. Natutulalang napatitig na lamang siya sa may entablado kung saan biglang sumulpot ang binata bitbit ang isang gitara.

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now