Thirty-five

1.2K 12 0
                                    

NAGMULAT ng paningin si Marifa. Sinalubong siya ng mataas nang sikat ng araw. Bumangon siya mula sa pagkakahiga habang hinihilot-hilot ang kumikirot pa ring sintido. Nagpalinga-linga siya at nagulat siya nang matagpuan ang sarili sa hotel room. Sinubukan niyang alalahanin kung paano siya nakauwi doon. Natutop niya ang sariling bibig nang maalala kung anong nangyari. She went into this karaoke bar with Benj, confessed to him for the second time through a song, probably had some drinks and told something weird to him and then he kissed her. No, wait—she was sure he definitely kissed her—then she passed out. Parang ice cream na biglang gustong malusaw ni Marifa. She can't stand the fact that she passed out after he gave her a kiss. Ano nalang ang mukhang ihaharap niya rito pagkatapos ng nangyari? Sa puntong iyon ay biglang bumukas ang pinto ng hotel room at iniluwal niyon si Benj. Sa kahihiyan ay bigla siyang napahiga uli. Ibinalunbon niya sa pagmumukha ang makapal na kumot.

"Marifa?" ang narinig niyang wika ni Benj. Napahigpit ang kapit niya sa naturang kumot nang maramdaman niyang naglakad ito palapit sa kaniyang kama. "Hey, what's wrong?"

Naramdaman niyang naupo ito sa gilid ng kaniyang kama. Parang gusto nalang niyang bumuka ang lupa at lamunin siya. Sinubukan niyang kalmahin ang sarili at nang magtagumpay ay dahan-dahan niyang hinila ang kumot na nakabalunbon sa kaniyang mukha pababa hanggang sa kaniyang mga mata.

"I passed out last night," dismayadong sabi niya rito. She was talking with sheets pressed into her mouth kaya hindi masyadong malinaw ang rehistro niyon. "I'm sorry,"

Napangiti si Benj na tila ba naaaliw sa kaniya. She bit her lower lip. Lalong nadagdagan ang kahihiyang kaniyang nararamdaman.

"Come on," ang sabi nito sa kaniya na inilahad ang kamay. Kahit naiilang pa rin ay kinuha niya iyon. Inalalayan siya nito para makaahon siya sa may kama. "You don't have to be sorry about anything, okay?"

She bit her lip again. Naalala niya ang halik na iginawad nito sa kaniya. She was dreading to know why did he do that kahit pa ang alam nito ay may relasyon sila ni Jastin.

"W-why did you do that, Benj?" aniyang hindi na napigilan ang sariling hindi ito tanungin. "Why did you kissed me even if you know that I have a... boyfriend?"

Napigil niya ang hininga sa labis na antipasyon sa magiging sagot nito. But Benj just stared at her as if she just said something funny. He was obviously trying himself not to laugh ngunit sa huli ay hindi rin nito nagawang magtagumpay.

"Hey!" sikmat niya rito na hindi napigilang magsalubong ng mga kilay. "Anong nakakatawa sa sinabi ko?"

Umiling si Benj ngunit hindi pa rin maawat ang sarili sa pagtawa. Pinagkunutan niya ito ng noo. Hindi niya naiwasang makaramdam ng kaunting inis rito.

"No, you don't have a boyfriend," sa wakas ay tugon nito nang tila makabawi. "You have a friend and I know that he's gay."

Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang natigilan. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya rito. Paano nito nalaman na kaibigan niya lang si Jastin at isa itong bading?

"Yes, I already know," pagkuwan ay pagkukumpirma nito. "I caught Jastin in the act while he's buying cosmetics. Wala siyang nagawa kung hindi aminin sa akin ang totoo. So, don't you try to use that trick on me again, okay?"

Napabuga ng hangin si Marifa. Kaya naman pala biglang bumaliktad si Jastin at bigla na lamang siyang ipinagtutulakan kay Benj. Apologetic na sumulyap siya sa binata.

"I'm really sorry, Benj," hinging-paumanhin niya rito na hindi naiwasang mapayuko. Hindi niya kayang salubungin ang paningin nito pagkatapos malamang matagal na pala nitong nabuko ang kaniyang mga kalokohan. "Pinagpanggap ko si Jastin dahil gusto kong ibangon yung image ko sa'yo. Gusto kong ipakita na hindi na ako yung dating babaeng nakilala mo. Na matagal na akong naka-move-on sa mga nangyari."

Sa gulat niya ay hinawakan ni Benj ang kaniyang baba at itinaas ang kaniyang mga mukha. Nagtagpo muli ang kanilang mga paningin. Sinalubong siya nang matamis na ngiti nito.

"Why do have to move on when I'm just starting to love you?" ang ipinahayag nito na gumulantang sa lahat ng cells sa kaniyang katawan. "You know what? Turning you down is one of the things that I regret in my life. I knew for sure that, when you left, you took a piece of my heart with you. Naramdaman ko lang uli na buo na ang puso ko nang muli tayong magkita." pinisil nito ang kaniyang baba. "In other words, I love you, Marifa."

Natulala si Marifa. Gusto niyang umiyak, tumawa, at maglupasay sa labis na kaligayahan ngunit sa huli'y ang tanging nagawa niya lang ay kabigin ito at yakapin. Niyakap niya ito nang napakahigpit na para bang kapag pinakawalan niya pa ito ay bigla na lamang itong maglalaho.

"Oh my goodness, I love you, too!" naluluhang sabi niya rito. "Hindi ko ba alam kung anong ginawa mo sa akin, but from the moment that I met you, hindi nagbago yung nararamdaman kong pagmamahal para sa'yo. It doesn't decrease nor increase. Yung pagmamahal ko kasi sa'yo, mula simula palang, nasa highest level point na."

Naramdaman niya na humigpit ang pagkakayakap sa kaniya ni Benj at napangiti siya. He was maybe four years late but who cares? He gets to finally return her love anyway, at para sa kaniya, iyon lamang ang tanging mahalaga.

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon