Thirty-eight

1.1K 12 1
                                    

"HEY, do you want to go inside?" tanong ni Marifa kay Benj matapos siyang maihatid nito sa kanilang bahay. "I could prepare some coffee for you."

"No, it's fine," saad naman ni Benj na ngumiti sa dalaga. "Sa susunod nalang siguro. It's kinda late. Ayoko namang maabala ko pa ang parents mo."

Tumango si Marifa. Ilang sandaling nakangiting nakatitig lamang siya rito. Pagkuwan nang hindi na mapigil ang sarili ay niyakap niya ito.

"Thank you, Benj," sinserong pahayag niya rito habang yakap-yakap ito ang mahigpit. "Thank you for this beautiful night."

Ngumiti lamang si Benj. Tinugon niya ang yakap ng dalaga. Di nagtagal nang kumalas ito ay dinampian niya ito ng halik sa mga labi. "I love you," masuyong pahayag niya rito pagkatapos.

Hindi kaagad nagawang tumugon ni Marifa. Parang parati pa rin itong nagugulat sa tuwing sinasabi niya rito ang tatlong salitang iyon. Pagkuwan ay dahan-dahang umangat ang sulok ng mga labi nito.

"I love you, too," masuyong tugon nito sa kaniya as she cupped his face. "Don't you forget about our promise, okay?"

Never, lihim niyang bulong habang nakangiting tumatango rito. They embraced each other one last time bago siya tuluyang magpaalam rito. Pagdating niya sa sarili nilang bahay ay naabutan niya ang kaniyang ama sa may sala na nanonood ng news. Dali-dali niya itong nilapitan para magmano.

"O, Benjamin," ang bungad sa kaniya ng ama habang iniaabot ang kamay nito. "Hindi ka nagpasabi na uuwi ka pala?"

"Pasensiya na po, pa, biglaan po, eh." ang tugon naman niya rito. "Kamusta na po kayo rito, papa?"

"Okay naman ako, anak. Inaasikaso naman akong mabuti ni Manang Caring. Ah, naku, alam mo, tamang-tama ang uwi mo!" gumuhit ang excitement sa mukha at tinig nito. "Tumawag ang Tiyo Julian mo."

"S-si Tiyo Julian po?" parang may kung anong bumikig sa lalamunan ni Benj. "A-ano pong sabi ni Tiyo Julian?"

"Okay na raw ang lahat, anak!" natutuwang bulalas ng kaniyang ama. "Naihanap ka na raw niya ng magiging employer sa may Amerika!"

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now