Eleven

1.4K 15 2
                                    

SCHOOLMATE, pag-uulit ni Benj sa kaniyang isip ng tinuran ni Marifa. Ipinakilala siya nito bilang "schoolmate" nito. Ni hindi man lang bilang isang kakilala o kaibigan. He know he should not be complaining. Afterall, alam niya naman sa sarili na wala siyang karapatan. But somehow, hindi maiwasang magsukal ang kaniyang loob. Gano'n ba talaga kasama ang loob nito sa kaniya para ni hindi man lang siya nito magawang ituring maski bilang isang kaibigan? Sabagay, bakit pa nga ba siya nagtataka? Nasaktan niya ito.

"O-oy, pare, kamusta?" lumapit sa kaniya ang naturang lalaki saka inilahad ang kamay. "Jastin nga pala, pare."

"Benj," matipid na tugon niya rito saka niya inabot ang kamay nito para makipagkamay. "It's nice to meet you."

"Ako rin, pare," ang ipinahayag naman nito habang tumatango-tango. "Nice to, um, meet you."

Hindi niya alam kung imahinasyon niya lang, but somehow, this Justin guy here seems to be a bit strange. Parang medyo malambot ang galaw nito para sa isang lalaki. O puwede rin naman na nagiging critical lang siya rito. Afterall, ito ang lalaking ipinalit sa kaniya ng babaeng nagtapat ng pag-ibig sa kaniya four years ago.

"Ah, o sige, Benj, mauuna na kami ha," pagkuwan ay paalam na ni Marifa sa kaniya. "Ihahatid pa kasi ako nitong boyfriend ko sa amin, eh."

Pinisil ni Marifa ang pisngi ni Jastin. For some unknown reason, biglang pumait ang panlasa ni Benj. Would she be this sweet to me if I did accept her love back then? ang hindi niya naiwasang maitanong sa sarili.

"Sige, pare," sabi naman rito ni Jastin na itinaas ang kamay ngunit hindi naiwasang pumilantik nang kaunti ang daliri. "Una na kami. Ingat!"

Tumango lamang siya sa mga ito. Kinayag na ito ni Marifa palayo pagkatapos. Inihatid niya ito ng tanaw habang magka-abrisete na naglalakad palayo. Napabuntong-hininga siya nang tuluyan nang mawala ang mga ito sa kaniyang paningin. Nakapamulsang naglakad-lakad siya at nang may mamataang maliit na bato ay pinulot niya iyon at ihinagis sa may dagat. Nagpunta siya sa may seaside dahil gusto niyang kahit paano ay makapagrelax. Pero bakit tila lalo yatang bumigat ang kaniyang pakiramdam ngayon?

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now