Nineteen

1.3K 12 0
                                    

"I'M doomed, Jas!" naiiyak na sabi niya sa kaibigan matapos silang magkita sa may opisina kinabukasan. Ikinuwento niya rito ang mga nangyari kahapon sa apartment ni Benj. Isinalaysay niya rin dito kung paano niya napatunayan sa sarili na tama ito. Hanggang ngayon nga ay may nararamdaman pa rin siya para sa lalaki. "I'm really doomed!"

"'Yan ang sinasabi ko sa'yo!" sikmat nito sa kaniya. "May nalalaman ka pang 'opkurs, bes! Nasaktan niya ako, ano? Wala na siyang aasahan sa akin?' diyan eh bibigay ka rin naman palang, loka ka!"

She sighed in desperation. Hindi niya ba alam kung anong nangyari sa kaniya kagabi. It seemed as if he saw Benj in a different light pagkatapos niyang makita kung gaano ito ka-dedicated sa profession nito. It was exactly how he fell in love with him in the first place! Ang dedikasyon nito at ang wagas na pagmamahal sa mga hayop. Ito na nga bang kinatatakutan niyang mangyari kaya iniiwasan niyang muling mapalapit rito. She knows right from the start na hindi nawala ang nararamdaman niya para dito—naging indenial lang siya. Kung alam niya lang, kinausap niya nalang sana ang head nila. Nagpapalit nalang sana siya ng writing assignment kahit pa tamaan siya ng lintik.

"Hindi dapat ito nangyayari, Jas. I want him to see me in a different light. But here I am, still the same girl from four years ago, na sa simpleng ngiti at hawak niya lang ay nagkakandarapa na." problemadong napabuntong-hininga siya. "Anong gagawin ko ngayon, Jas?

"Hay, nako, besh. Masyado mo kasing pinapahirapan ang sarili mo, eh. Finished the interview and then magconfess ka uli sa kaniya for the second time. Tapos."

Napalunok siya sa narinig na tinuran ni Jastin. Magcoconfess uli siya kay Benj? Paano kung maulit uli yung nangyari dati?

"No, no, no! Hindi na uli ako magcoconfess sa kaniya. Like never." matigas na pahayag niya sa kaibigan. "Paano nalang kung soplahin niya lang uli ako? My, goodness! Hindi ko na yata matatanggap na magmukha akong kawawa sa paningin niya the second time, ano!"

"Ka-nega-han mo kasi pinapairal mo, eh!" sikmat nito sa kaniya. "Seriously, you must get your mind and heart straight, besh. Kung hindi, hindi ka lang mawawalan ng kahihiyan sa pangalawang pagkakataon. Mawawalan ka pa ng trabaho!"

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt