Twelve

1.5K 15 1
                                    

"WHAT the hell was that?!" bulyaw ni Jastin kay Marifa nang masiguradong nakalayo na sila kay Benj. Kulang nalang ay maligo ito ng alcohol. "May pa-'babe'-'babe' ka pa diyan at may papisil-pisil ka pang nalalaman, pisti ka!"

"Sorry na, besh," nakakagat-labing tugon niya naman dito. "Eh, kasi naman, nakita pala tayo ni Benj noong isang araw sa may fast food restaurant. Ang akala niya, boyfriend kita. Kaya sinakyan ko nalang yung maling akala niya."

Tiningnan siya nang masama ni Jastin. "Alam mo, in all fairness sa'yo, nakakadiri ka, besh!" in-spray-an siya nito ng alcohol. "Anong pumasok sa isip mo at ginawa mo 'yon?!"

Napabuntong-hininga si Marifa. Hindi niya rin alam kung anong pumasok sa isip niya. Basta ang alam niya lang, pagkatapos ng nangyari, pakiramdam niya ay naibangon na niya kahit paano ang kaniyang imahe rito.

"Ipapaalala ko lang sa'yo, ha?" nakapameywang na saad nito nang hindi siya nakatugon. "Hindi natatapos sa emote mo kanina yung writing assignment mo. Kailangan mo pa rin siyang interview-in para sa writing assignment mo. Loka ka!"

"I know, I know," sabi niya naman rito. "But at least now, knowing that I'm in a relationship, he will no longer see me as the girl he turned down before. Kahit paano, napatunayan ko sa kaniya na naka-move on na ako. Na yung gagawin kong interview sa kaniya ay purely professional at walang halong ibang motibo."

"Wala nga ba?" taas-kilay na buwelta sa kaniya ni Jastin. "At isa pang tanong, nakamove on ka na nga ba talaga?"

Sa ikalawang pagkakataon ay muling natameme si Marifa. She was badly hurt when he turned her down before without any explanation. Kaya naman sa kabila ng magkasalungat na dikta ng isip at puso, mas gusto niyang paniwalaan na talaga ngang limot na niya ang binata.

"O-opkurs, besh! Nasaktan ako ng mokong na 'yon, ano? Wala na siyang aasahan pa sa'kin." napapalunok na tugon niya rito. "Kaya ikaw, huwag ka nang mag-inarte pa riyan. Gusto mo talagang makabawi sa'kin? Magpanggap ka na boyfriend ko!"

"Yikes! Besh naman, eh! Bakit ako pa kasi?" hindi maipinta ang mukha na apela nito sa kaniya. "Bigyan mo nalang ako ng ibang task—huwag lang 'to."

"Tse! Manahimik ka!" ang sikmat niya rito. "Magpapanggap kang boyfriend ko—tapos ang usapan."

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now