One

2.8K 28 2
                                    

"NARANASAN n'yo na bang mabasted ng nililigawan ninyo?" ang narinig ni Marifa na tanong ni Paul sa mga kasamahan nila sa trabaho sa kabilang cubicle. "Sa sobrang sakit, pakiramdam ko, may humampas ng baseball bat sa ulo ko."

Napalunok si Marifa. Buti ka nga babae ang nambasted sa'yo, eh, ang naiinis na naisaloob niya. Sinubukan niya uling mag-concentrate sa trabaho subalit wala ng ibang pumapasok sa kaniyang isip kung hindi ang isang alaala from four years ago na matagal na niyang pilit na ibinabaon sa limot.

"Kaloka si koya mo," lumapit si Jastin sa kaniyang cubicle. Sa lahat ng mga lalaking ka-trabaho ay dito siya naging pinakamalapit. Palibhasa'y lalaki rin ang hanap nito. "Walang may paki sa depressing mong lovelife, ulul!"

"Really, Jas?" pinaikot niya ang kaniyang mga mata. Alam niyang matagal na itong may crush kay Paul ngunit hindi magawang dumamoves dahil hindi pa ito tuluyang naglaladlad. Nainis ito nang malamang may nililigawan na itong babae. "Palibhasa, hindi mo pa nararanasang mabasted, eh."

Jas stared at her as if she just said something stupid. Napakagat-labi siya. Hindi niya rin akalain na lalabas ang gano'ng bagay sa bibig niya.

"Affected much, 'te?" taas-kilay na tanong nito sa kaniya. "Bakit ikaw naranasan mo nang mabasted?"

"I-I didn't say that!" guilty na buwelta niya rito. Isinara niya ang laptop sa kaniyang harap at inayos ang ilang folders sa kaniyang table. "Halika na nga at mag-lunch na tayo!"

Nagtungo sila sa isang fastfood restaurant na walking distance lamang ang layo mula sa kanilang opisina. Sinalubong sila ng mahabang pila sa counter. Sinabi niya kay Jastin na ito na lamang ang mag-order habang siya naman ang maghahanap ng table nila subalit sa gulat niya ay tumanggi ito.

"Mamaya na!" sabi nito. Hindi niya alam kung bakit bigla itong pinawisan samantalang malakas naman ang aircon sa loob ng naturang fastfood restaurant.

"Jas, anong problema?" tanong niya rito. Sa gulat niya ay bigla na lamang siyang inakbayan nito. "Uy, anong...?"

"Huwag kang maingay," ang bulong nito sa kaniya. "Nandito yung makulit na babaeng sunod nang sunod sa'kin!"

Pasimple siyang sumulyap sa kanan nila. Nakita niya ang isang petite na babaeng nakatingin sa kanila. Naiiling-iling na napatingin na lamang siya nang masama kay Jastin.

"Bakit ba kasi hindi mo nalang sabihin sa kaniya na bading ka?" kastigo niya rito matapos maka-order at makahanap ng table. "Nang sa gayon, tigilan ka na niya."

"Psst! Bunganga mo naman!" saway nito sa kaniya. "Hindi nga puwede, di ba? Paano kung sa inis niya sa akin ay ipagkalat niya? Baka mamaya ay makarating pa sa parents ko eh alam mo namang hindi pa ako totally naglaladlad."

Napabuntong-hininga si Marifa. "Naaawa lang kasi ako doon sa babae," pag-amin niya rito. "Patuloy pa rin siyang umaasa kahit na ang totoo ay wala naman pala talaga siyang mapapala sa'yo."

Nanumbalik ang imahe ni Benj sa kaniyang isip habang sinasabi niya iyon. Kaparis kasi ng naturang babae ay gano'n na gano'n rin siya dati kay Benj. Naghahabol, naghihintay, at umaasa—sa wala. Napabuntong-hininga siya at sinubukan nang burahin ang imahe nito sa kaniyang isipan subalit laking gulat niya nang ang kaninang imahe lang ay tila biglang nagkaroon ng buhay!

"Kung makapagsalita naman 'to!" sikmat ni Jastin sa kaniya. "Bakit ba kanina pa yata panay ang emote mo riyan, ha?"

Subalit mistulang hindi iyon rumehistro sa kaniyang pandinig. Pinagmasdan niya nang mabuti ang lalaking nakaupo ilang table lang ang layo sa kanila—matangkad, maputi, mapupungay ang mata. Napalunok siya. Kinusot-kusot niya ang kaniyang paningin sa pag-asang maglalaho ito subalit nagkamali siya. Nanatili itong nakaupo sa naturang table kausap ang dalawa pang lalaki. Nang mapulsuhang dadako ang paningin nito sa kinaroroonan ay dali-dali siyang yumuko.

"Anong nangyayari sa'yo, gaga ka?!" nawiwirduhang tanong sa kaniya ni Jastin. "Sino bang tinatagu—"

"Sshh!" pamumutol niya sa sinasabi nito. "Mamaya na ko magpapaliwanag! Damputin mo na 'yang kinakain mo! Umalis na tayo rito!"

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now