Twenty-five

1.2K 14 0
                                    

"SERIOUSLY?" hindi makapaniwalang salubong ni Crossby kay Benj pagkatapos malaman ng mga ito ang tungkol sa symposium. "You take the place of Dr. Ventura to that symposium?"

"Bakit mo ginawa 'yon, bro?" segunda naman ni Arjay na halatang hindi rin makapaniwala sa kaniyang ginawa. "Ayaw mo ba talagang magpahinga?"

Napabuntong-hininga siya. Si Dr. Ventura supposedly ang pupunta sa naturang symposium ngunit nagkaroon ito ng heart attack recently. Naghahanap ang vet hospital ng mag-po-proxy rito ngunit tila walang ibig sumama. Sa dami kasi ng trabaho sa hospital, ang ideya ng symposium ay isa lamang mabigat na responsibilidad para sa ibang mga vet personnel lalo pa't kung sino man ang aattend doon ay kailangan gumawa ng report patungkol doon. Pumayag siya na mag-proxy rito dahil iyon nalang ang naiisip niya na paraan para mapagsolo sila ni Marifa. Hindi kagaya ng iniisip ngayon nina Arjay at Crossby na dahil ayaw niyang magpahinga.

"Bro, may oras pa," sabi sa kaniya ni Crossby na tinapik pa siya sa balikat. "Puwede ka pang umatras sa symposium, seriously."

"Loko mo talaga, bro!" ang sikmat niya kay Crossby. "Relax. I'm going to be fine, okay? Tatlong araw lang naman yung symposium."

Nagkatinginan sina Arjay at si Crossby. Alam niyang iniisip ng mga ito na nababaliw na siya. Nakangiting napailing-iling nalang siya—kung alam lang ng mga ito kung anong totoo.

"How on earth can you say 'relax' and 'symposium' in the same sentence?!" sarkastikong sikmat sa kaniya ni Arjay. "Really, bro, do you want us to tie you in your bed para makapagpahinga ka lang?"

"Thank you, Arjay," nakatawang buwelta niya naman rito. "You should probably do that next time."

Napapailing na tinawanan na lamang siya ng dalawa. Ilang sandali nilang pinag-usapan ang plano para sa susunod na medical mission lalo pa at hindi makakasama si Benj dahil sa symposium. Pagkatapos niyon ay nagkayayaan na rin silang umuwi. Bagaman, habang daan, biglang naalala ni Benj si Marifa. He just can't wait to know her decision. Inilabas niya ang kaniyang phone at nagsagawa ng internet search ukol sa magazine na pinagtatrabahuhan nito. Natuklasan niya na malapit lamang pala ang opisina nito kaya naisip niya na puntahan nalang ito. Ako naman ang sosorpresa sa kaniya ngayon, napapangiting naisaloob niya habang inililiko niya sa kabilang route ang minamanehong sasakyan. 

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now