Seven

1.6K 19 2
                                    

"GOOD morning, every one! I'm sorry for this sudden meeting. I'm just excited to give your monthly assignments." saad ng kanilang head pagkaupong-pagkaupo sa may swivel chair sa gitna ng conference room. "Well, if you often use your social media accounts, I assume, narinig n'yo na ang tungkol sa tatlong animal doctors na viral ngayon." pinindot nito ang remote ng monitor at nagflash sa screen ang mukha ng tatlong lalaki na pawang nakasuot ng medical gown. "I am talking about them. Nag-viral sila dahil according sa netizen na nagpost ng picture nila sa social media ay nagsasagawa sila ng medical mission sa mga animal shelter. For free."

Marifa wasn't listening. Nakayuko siya at patuloy sa pag-scroll sa profile ni Benj gamit ang phone ni Jastin na hanggang sa mga sandaling iyon ay hawak pa rin niya. Natigilan lamang siya nang sikuhin siya ni Jastin matapos dumako sa kanila ang paningin ng kanilang head. Nag-angat siya ng ulo at nagkunwaring nakikinig subalit agad rin siyang na-distract nang mapatingin sa may monitor. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang nakabalandra doon ang mukha ni Benj. Por dios por santo, ano bang nangyayari?! ang mabaliw-baliw niyang naisaloob.

"With that being said, napagdesisyunan ng team na i-feature sila para sa susunod na issue ng ating magazine. Mary Ann and Ruwan are going to write the articles for the first two doctors. Ang natitira na lamang ay itong si Doctor Buencamino, whom according to our initial background check, ay talaga namang napakapribado." pagpapatuloy nito. "Anyone who's willing to take this assignment regarding this animal doctor?"

Umikot ang paningin ng kanilang head. Napayuko uli si Marifa. I-pi-feature ng magazine nila si Benj at ang mga kasamahan nitong vets? Anong nagawa niyang kasalanan? Bakit ba naman siya pinag-ti-tripan ng tadhana ng ganito? Wala pa ring nag-bo-volunteer na kunin ang nasabing assignment. Marahil ay natakot mahirapan kumuha ng impormasyon sa binata lalo pa't may pasubali na ang kanilang head na sobrang pribado ito. Sinulyapan niya si Jastin sa kaniyang tabi—tila wala rin itong pakialam. Nakatingin ito kay Alex—ang kasamahan nila na ipinaglihi ata sa abs. Kinalabit niya ito pero hindi siya nito pinansin. Sa inis ay pasimple niya itong kinurot sa tagiliran. Hindi niya naman akalain na mapapadiin ang pagkakakurot niya rito at mapapasigaw ito nang malakas.

"Mr. Clemente!" pagtukoy rito ng kanilang head na halatang nagulat sa bigla na lamang nitong pagsigaw. "Why are you screaming?"

Nanlalaki ang mga mata na napalunok si Jastin. Sa pagkataranta ay bigla na lamang siya nitong itinuro. Bigla siyang nanigas nang matuon sa kaniya ang paningin ng kanilang head.

"Oh, I see," pagkuwan ay wika nito na napatango-tango. "Okay, everyone, looks like we have the girl for the job." Ngumiti ito sa kaniya. "Good luck, Miss Silva."

Napangiti nang alanganin rito si Marifa—hindi pa gaanong nag-si-sink-in sa kaniya ang nangyari. But when she did, agad na nabura ang ngiti sa kaniyang mga labi. She was just given an assignment to write an article about Benj! What. The. Frigging. Hell.

CONFESSIONS TO BENJAMIN [COMPLETED]Where stories live. Discover now