Chapter 17: Booth Camp

13.3K 1.2K 946
                                    

HINDI ko in-expect na seseryosohin nitong ni Dion na magpunta kami ng Quezon ngayon para lang dalhin ako sa Boothcamp nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HINDI ko in-expect na seseryosohin nitong ni Dion na magpunta kami ng Quezon ngayon para lang dalhin ako sa Boothcamp nila. Nandito na kami sa NLEX at binabaybay ang daan nito.

Justin Bieber's One Time is banging here in his car (ay hindi pala sa kanya). "Gutom ka na ba?" Tanong niya. "May madadaanan tayong gas station dito na may kainan," he informed.

"Kanina pa." I answered while nodding my head with the song.

"You're a JB fan?" He asked.

"Sakto lang, pero alam mo 'yon, ang sarap patugtugin ng mga kanta ni Justin Bieber sa kotse kasi ang chill lang. Kapag sinabi kong maganda, I meant, the young Justin Bieber songs, ha!" I reminded him. "Me plus you... Me plus you..." Pagsabay ko sa kanta.

"Ang chill mo lang pala kasama," he chuckled and start nodding with the beat of the song. "Sa game kasi ay ang sungit mo."

"That's what other people always say. Mukha raw akong mataray, hindi ko naman kasalanan na may natural bitch face ako." Paliwanag ko sa kanya. Kahit sila Trace noon ay natatakot daw kausapin ako. "Alam mo 'yon, kahit naka-poker face lang ako iba ang dating sa ibang tao... Tingnan mo."

"Nagda-drive ako,"

"Two seconds lang." Bumaling ang tingin sa akin ni Dion at pinakita ko ang poker face expression ko sa kanya.

"Mataray nga." Sagot niya.

"'Di ba! Ma-attitude ako minsan pero hindi ako bitchesa." Sabi ko sa kanya.

Nag-stop over kami sa isang gas station dito sa NLEX at saglit siyang nagpa-gas. Nahiya daw siya sa Boss niya kasi hiniram niya lang 'yon kaya kailangan niyang ipa-full tank.

Nahirapan siyang maghanap ng parking space dahil sa dami ng tao pero buti na lang ay may kotseng umalis kung kaya't nakahanap siya ng spot. Kapag napapatingin ako sa labas ay pansin kong maraming tao na nandito ang napapatingin sa Mustang ni Dion.

Hello! Mustang 'to! Hindi araw-araw ay makakakita ka ng Mustang sa daan.

Before kaming bumaba ay nagsuot siya ng mask at sumbrero. "Yabang, artista." Natatawa kong sabi.

Nailing lang si Dion. Hanggang sa makababa kami ay may mga nakatingin sa amin. "Saan mo gustong kumain?" He asked.

"Ayaw mong mag-takeout na lang? I mean, baka may mga fans na makakilala sa 'yo."

"Mas mahirap kumain kapag sa kotse pa." Sa bagay, may point.

"Sa Mcdo na lang." Suhestiyon ko. "KKB 'to, ha. Remind lang kita."

"I insist na ako na ang manli—"

"KKB." Seryoso kong sabi at naglakad kami patungo sa Mcdo.

"Bitchesa ka nga." He said. Hindi ko makita ang ekspresyon niya dahil sa mask niya pero feeling ko ngumingisi 'tong ungas na 'to.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon