Chapter 41: Battle Cry VS. Laxus Familia

12.7K 1.1K 1.2K
                                    

MULA rito sa standby area ay ramdam na ramdam ang tensyon ng lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MULA rito sa standby area ay ramdam na ramdam ang tensyon ng lahat. Isa sa mga malalaking kalaban ng Battle Cry ang Laxus Familia tapos wala pa sa labang ito ang pinaka importanteng poste ng grupo- si Axel.

Aware ang lahat na may araw na mawawala si Axel dahil may aasikasuhin ito sa School nila pero walang nag-akala na ngayon ang araw na iyon.

"Huy," Napatigil ako sa malalim na pag-iisip noong kinurot ni Dion ang kanang pisngi ko. "Ang lalim niyan, ah."

Matalim ko siyang tiningnan at hinampas sa braso. "Ang sakit no'n, ha!"

Natawa si Dion at kahit papaano ay nabawasan ang tensyon na nararamdaman ko. "Kinakabahan ako, this will be my debut match. Hindi ko alam kung magagawa ko ba ng maayos ang role ko."

His brows crunched. "Nagtiwala sa 'yo si Axel dahil alam niyang kaya mo. Kung matalo man tayo ngayon... E 'di bawi sa susunod na match. Zero lose pa tayo, we still have a chance if we lose."

"Pinagtulungan ninyo nila Captain ang lineup na ito so alam mo kung paano ang dapat magiging galaw ng bawat isa. Huwag mong sayangin 'yong mga practice mo." He smiled at napangiti na ako finally.

Hindi ganoon karami ang mga taong nanonood ng match ngayon since second day pa lang naman. Sabi ni Dion ay napupuno raw ang Dome na ito kapag opening at closing lang since nandoon ang mga importanteng matches.

"Guys," Kendrix clapped his hand to caught our our attention. "Hindi ako si Axel kung kaya't hindi ko alam ang sasabihin ko sa inyo ngayon para ma-motivate kayo..." Napakamot sa batok si Kendrix.

"Huwag nating sayangin 'yong mga araw na ginugol natin para paghandaan ang laban na ito. We lost twice already against those fuckers at hindi na tayo dapat pumayag na magkaroon pa ng pangatlo. Let's fight without any regrets." dugtong pa ni Kendrix habang tinitingnan kami isa-isa.

First match kami ngayomg araw pero na-move ang sched nang laban namin ng alas-onse (supposed to be 10) dahil sa technical difficulties daw kung kaya't kinakailangan namin maghintay sa backstage ng isang oras.

"Gusto ko ng kape para magising ako." sabi ko kay Dion at tumayo. "Punta akong Starbucks."

"Samahan pa kita?" he asked pero busy siya sa paglalaro ng Zombie Tsunami sa cellphone niya.

"Huwag na, kahiya naman sa nilalaro mo. May ipabibili ka?"

"Same old." He answered. Dark Mocha with mint syrup. "Libre mo ba 'yan?"

"Alam mo dati, ikaw pa nagpi-prisinta na ilibre ako tapos ngayon ang kapal na ng mukha mo sa ganyan." reklamo ko.

He chuckled. "People changed. Libre mo na ako. Ako na lang taya mamaya sa Lunch. G?"

"Oo na." Kinuha ko ang wallet ko sa duffle bag at naglakad papalabas ng standby area.

Paglabas ko ng room namin ay may nakita akong mga Laxus Familia players na nakatambay sa hallway.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon