Chapter 163: Boss Raid Planning

4.6K 328 59
                                    

Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

Vote, comments, and sharing the story are highly appreciated. Thank you!

SIMBANG GABI, parte na yata ng Christmas tradition namin ang um-attend sa unang misa ng simbang gabi bago mag-pasko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SIMBANG GABI, parte na yata ng Christmas tradition namin ang um-attend sa unang misa ng simbang gabi bago mag-pasko. Hindi ko lang talaga gets kung bakit sa lugar namin ay madaling araw o alas-cuatro ng umaga siya ginagawa. I mean, mas convenient kapag 10PM o 11PM 'di ba? Kaysa ganito na gigising ng sobrang madaling araw.

Hindi ako nagrereklamo dahil baka iyon na 'yong culture... pero 4 talaga ng umaga? Jusko! Grabe ang lamig no'n sa umaga.

"Kuya, bilisan mo raw, male-late tayo sa misa." sabi ko kay Kuya London na kasalukuyang naliligo habang ako naman ay kumakain ng oatmeal sa may kusina

"Sandali lang! Napakalamig kaya ng tubig!" Reklamo ni Kuya at bahagya akong natawa dahil pagkatapos kasi ng simbang gabi ay didiretso na siya sa office nila. Hindi raw siya puwedeng um-absent lalo na't naka-plan leave siya this Christmas due to our Baguio trip.

"London bilisan mo! Hindi puwede 'yong ganyan! Unang misa ngayong pasko at ganiyan ka kabagal. Iiwan ka namin." Banta ni Mom sa kaniya at bahagya akong natawa.

"Luh Mom! Paboritong anak mo 'ko!" Sigaw pabalik ni Kuya London.

"Anong paborito-paborito? Wala akong favoritism. Baka sipain kita riyan, halika na!" Ganti ni Mom.

I just wear my green sweatshirt and a jogging pants para hindi ako lamigin. Hindi rin ako naligo bagkus ay naghilamos lang dahil... God, malamig. Nag-dry shampoo lang ako and mamayang tanghali na lang ako maliligo dahil doon siguradong mainit.

Nangangatog na lumabas ng banyo si Kuya London habang pinupunasan ng towel ang kaniyang buhok. "Lord, grabe, pinaranas mo sa akin ang Antartica sa maliit na banyo namin." Nanginginig pa ang ibabang labi ni Kuya London sa lamig.

"Ang OA mo." Wika ko.

Tumingin si Kuya sa akin. "Luh, epal. Ikaw kaya maligo ng ganito kaaga tumatagos hanggang buti 'yong lamig. Palibhasa 'di ka naliligo."

"Hoy! Mas mabango pa ako sa 'y—"

"Shh!" Suway ni Kuya Brooklyn at napatigil kaming dalawa. "Aga-aga nagbabardagulan na naman kayo. Pumunta na kayo sa kotse, malapit na magsimula ang misa."

"Misa mo o misa ni Father?" Biro ni Kuya London at bahagya akong natawa. Nilagyan ko ng tubig ang tumbler ko.

"I can make you experience both kapag hindi mo tinulinan kumilos." Seryosong sabi ni Kuya Brooklyn.

"Luh, 'di ka naman mabiro. Joker ako sa pamilya, eh." Depensa ni Kuya London. Nagmamadali kaming sumakay sa sasakyan para makahabol sa misa.

Habang nasa biyahe ay tumawag sa akin si Dion which is nakakagulat dahil hindi nga siya early person, kapag nagigising nga siya dati sa boothcamp ng alas-siete ay feeling ko ay may masamang espiritu na nakasapi sa kaniya. Nasa back seat naman ako ng kotse noong sinagot ko ang tawag. "Agang bebe time, ah." Komento ni Kuya London.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon