Prologue

41.7K 1.8K 428
                                    

Will start to write this on December

NAKATAGO ako sa loob ng malaking bahay at nakatanaw sa malaking bintana nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAKATAGO ako sa loob ng malaking bahay at nakatanaw sa malaking bintana nito. Pinagmamasdan ko ang mga kalaban na nagpapatayan sa labas. Our team should win this league. Kailangan namin maging qualified para maging finalist sa Summer League ng Competition.

I am holding my Wakizashi sword and waiting for the enemies to pass this area. As the assassin of our team, my function is to kill an enemy one at a time. Hindi ako puwedeng sumama sa mga clash lalo na't hindi ganoon kataas ang depensa ng character ko.

Nandito ako sa rural area ng battleground at hindi talaga ako pumunta sa mga urban areas since alam kong doon magaganap ang mga malalaking laban. Katulad na lamang ngayon, malayo ako sa mga buildings pero rinig na rinig mula rito ang malalakas na pagsabog at kitang-kita ang itim na usok na nagmumula dito.

Napatigil ang malalim kong pag-iisip noong biglang mabasag ang salamin kung saan ako nakadungaw at mabilis akong napasandal sa pader upang iwasan ang sunod-sunod na bala nito. "Shit." Malakas kong sigaw at tumakbo papaakyat. Dumungaw ako kung sino ang nasa labas. He is from the enemy's team.

Collonello
Level: 26
Class: Bounty Hunter

Okay, he is the marksman of our enemy at mukhang mag-isa lang siya. This is my chance.

I activated my sprint skill at mabilis na tumalon papalabas ng bahay. Tumakbo ako sa bubong nito hanggang sa mamataan ko muli si Colonello na nasa ibaba at humahabol sa aking pagtakbo. Sunod-sunod na bala ang pinakawalan niya na mabilis kong iniwasan.

Tumalon ako paibaba and activated my rage cutter skill na kung saan mabilis akong hihiwa sa ere papalapit sa kalaban. This is a my passive skill pero ginagamit ko rin ito bilang dash upang mabilis na makapunta sa direksyon ng kalaban.

Kita ko ang pagpa-panic sa mata ni Colonello habang papalapit ako. Ang kahinaan kasi ng mga marksman ay ang short range battle since most of their skills are long range attack. Para sa katulad kong Striker ang class, one na malapitan ko si Colonello ay mabilis kong magagamit ang mga skills ko.

"Hindi kayo mananalo!" Sigaw niya at ngumisi na lamang amo.

"Alam mo namang delikado para sa bounty hunter na gaya mo ang gumagala mag-isa." I used my rage cutter at mabilis na nahiwa si Colonello sa tagiliran. Umagos ang pulang dugo mula rito pero nabigla ako noong sinipa niya ako sa tiyan dahilan para mapaatras ako.

He smirked and my brows crunched. "Huli ka." He said at bigla na lamang ako napalibutan ng buong Laxus Familia sa buong paligid. Tumalon sila mula sa tuktok ng mga bahay rito. Paanong hindi ko sila napansin?

Shit, si Collonelo lang kasi ang focus ko kanina kung kaya't hindi ko napakiramdaman kung may ibang tao sa paligid. They used their marksman as a bait para mapatay ako. Losing me in this round will affect my team since I am one of the damage dealer in this battle.

Humigpit ang hawak ko sa Wakizashi sword ko at palingat-lingat na tumitingin sa buong paligid. Napapaligiran nila ako, hindi dapat ako magpabaya sa ganitong sitwasyon. One wrong move, I will be eliminated in this game.

They stepped forward and I prepare my second skill kung sakaling sabay-sabay man silang sumugod.

Akmang susugod sila sa akin ngunit may isang tao na tumalon mula sa mataas na bubong ng isang bahay. Bumagsak siya sa harap ko at ibinagsak niya ang malaking shield niya sa lupa na naglikha ng malaking bitak dahilan para mapaatras ang ilang miyembro ng Laxus Familia.

I immediately noticed his black cape and black hair. Bumaling ang tingin niya sa akin at ngumisi.

"Papayag ka ba na malaglag agad tayo sa Qualifying round, Shinobi?"

We, Battle Cry will win this competition. Kami ang magiging pinakamalakas na team dito sa Hunter Online.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon