Chapter 159: Surprise

4.1K 367 85
                                    

"SA may SM Pulilan na lang ako, susunduin ako ng tatay ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"SA may SM Pulilan na lang ako, susunduin ako ng tatay ko." sabi ni Robi sabay turo sa may mall. I am glad to be back here in Bulacan, atleast ngayon ay nag-sink in na talaga sa akin na tapos na ang Season four tournament. Wala nang pagpupuyat na dapat gawin. I can listen to my educational podcast everyday, makakapagbasa na rin ako ng fiction novels. Sa tagal ko nga yatang hindi nakapagbasa ay feeling ko ay ang sabaw na ng mga words na alam ko.

"Sure ka, Robi? Kaya naman namin ikaw ihatid bago kami umuwi sa Casa." Bumaling ang tingin ko sa kaniya.

"Kakain din kaming pamilya diyan sa Mall." Sabi niya sa amin.

Maluwag ang parking lot at lumabas si Robi sa may kotse. Bumaba rin si Kuya London para makuha ni Robi ang gamit niya sa likod. Wala pang ilang minuto na nasa labas si Robi ay may grupo na ng kabataan ang nakakilala sa kaniya at nalaman na member siya ng Orient Crown. Nagpa-picture ito sa kaniya.

"Grabe naman 'yon papi Robi." Natatawang sabi ni Dion habang kinukuhanan ng video si Robi. Buti na lang at tinted itong sasakyan kung kaya't hindi nila nakita na nandito rin kaming dalawa ni Dion. Hindi na kami nagtangka na lumabas dahil baka biglang magkaroon ng commotion dito sa parking lot ng SM (Wow feeling artista).

Sumakay na ulit si Kuya London pagkaalis ni Robi. "Sa wakas, nabawasan na ng pangit." sabi niya.

"Ikaw 'tong numero unong pangit dito sa loob ng sasakyan." sabi ko sa kaniya.

"Kapatid kita, so pangit ka rin. Susumbong kita kay Mom, sinasabi mong pangit genes natin ah." Bumaling na siya para makalabas sa parking lot.

"Kunwari pa kayo, na-miss ninyo naman ang isa't isa." Pagbibiro ni Dion na nasa likod.

"Eeew." sagot ko.

"Asa." Sabi naman ni Kuya.

Natawa si Dion. Well, definitely na-miss ko si Kuya London pero siyempre ay hindi ko iyon sasabihin sa harap niya 'no! Lalong lalaki ang ulo ng lalaki na ito. Also, love language na namin sa isa't isa ang panglalait sa isa't isa.

Noong malapit na kami sa village, jusko! Napailing at napayuko na lang ako sa laki ng tarpaulin na nakasabi sa fence papasok ng Casa Buena.

Congratulation Jerrish Milan De Santos for winning in Hunter Online Season 4 tournament. We are so proud of you

-Casa Buena Family

"Oh my God, ipatanggal ninyo 'yan! Tapos ang pangit ko pa diyan sa picture na ginamit. Anong Casa Buena Family? Sa tagal kong lumaki sa subdivision na 'to hindi ko naman nakausap mga kalapit bahay natin sa kabilang street." Reklamo ko kasi hindi pa rin ako sanay na nakabalandra ang mukha ko sa malaking tarpaulin tapos nadadaanan at nakikita pa ng maraming sasakyan.

Tawang-tawa si Dion at Kuya. Ito namang si Dion kinuhanan pa ng video. "Kapag iyan, nakita ko sa IG story mo..." banta ko sa kaniya.

Ginaya lang ni Dion ang pagkakasabi ko at tumawa muli.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon