Chapter 47: Smile and Tears.

10.5K 1.3K 1K
                                    

NANDITO kami sa backstage at mamaya lamang ay aalis na kami para kumain kasama ang buong team

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NANDITO kami sa backstage at mamaya lamang ay aalis na kami para kumain kasama ang buong team. "Dala mo 'yong powerbank?" tanong ko kay Dion.

"Opo. Nasa bulsa po ng Duffle bag." sagot ni Dion at hindi maalis ang tingin niya sa nilalaro niya sa kanyang cellphone.

"Saang bulsa?"

"Pangalawa sa kanan. 'Yong maliit." sagot niya.

Pumamewang ako. "Alam mo, ang hirap mong kausapin. Puro ka cellphone," umikot ang mata ko at cinonnect ang cellphone ko sa powerbank.

"Anong puro cellphone? Sinasagot ko naman 'yong tanong mo." Dahilan niya pero busy pa rin siya kakapindot sa cellphone niya. "Wala ka na namang maaway."

"Ia-uninstall ko 'yang zombie tsunami mo."

"Subukan mo, ipo-post ko 'yong video na nadulas ka sa hagdan sa boothcamp," ngumisi si Dion at napairap na lang ako. "Ah, pikon."

"Lolo mo pikon." Ganti ko.

"Lola mo pikon."

"Tito mo piko—"

"Ako napipikon ninyo na akong dalawa." Biglang nagsalita si Kendrix at napatigil kami ni Dion sa bangayan. "Lahat na lang pinagtalunan ninyo. Powerbank, laro sa cellphone, pancit canton, ulam."

"Sorry." sabay naming sabi ni Dion at umupo na ako sa tabi niya.

"Ikaw kasi..." mahina kong bulong.

"Ayan ka na naman." he said. Siya naman talaga, hinanap ko lang 'yong powerbank, ang daming sinabi.

Napatigil ang lahat noong pumasok si Sandro sa loob ng standby area kasunod ang mga sisiw niya. "Congrats sa atin, guys!" Sigaw niya.

Nakipag-apir si Sandro kay Axel pumunta sa amin si Larkin. "Oppa, nice game kanina. Ang galing ninyo." puri ko kay Larkin. Now I get it kung bakit oppa ang tawag sa kanya ng mga ka-team niya. Maporma kasi si Larkin at madalas ay pabago-bago ng hairstyle (according to his teammates) kaya oppa ang tawag sa kanya.

Kumamot sa ulo si Larkin. "Talo pa nga, eh."

"Dapat nga talo na kayo sa amin, eh," mayabang na sabi ni Oli habang nakaupo. "Pinagbigyan lang namin kayo. Kasi ilang matches kami ngayong araw, siyempre napagod kami. Sabi namin, ah sige, ibigay na natin 'to sa Alternate. Mukhang mas kailangan nila. Kaya pinanalo namin kayo." natawa ako sa pagmamayabang ni Oli.

Ang bilis niya makagawa ng kuwento. Pero totoo, ang dami naming laban ngayong araw na kahit ako ay napagod. First time namin na mag-stay sa Dome nang maghapon dahil sa sunod-sunod na match.

"Ulol mo." sagot ni Larkin.

"Pero, Larkin, ang cool ng idea ninyo kanina sa laban natin. Hindi namin in-expect parehas ni Renshi iyon." Puri ko. Napahanga talaga nila ako kung paano nila biglang na-counter ang plano namin at nagawa kaming ikulong sa warehouse nang hindi namin namamalayan.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon