Chapter 106: Breakup

7.9K 662 281
                                    

NASA biyahe na kami ni Dion pabalik ng Bulacan at tama nga siya, it's a wrong timing na umalis ng bootcamp ng hapon dahil sobrang traffic sa EDSA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NASA biyahe na kami ni Dion pabalik ng Bulacan at tama nga siya, it's a wrong timing na umalis ng bootcamp ng hapon dahil sobrang traffic sa EDSA. Sa bagay, kailan ba hindi nawalan ng traffic sa EDSA? Mabagal ang usad ng sasakyan at nakikinig kami ni Dion sa bagong labas na album ni Taylor Swift.

I am not the biggest fan of Taylor Swift but I love the way how she created her songs. In a span of 2-3 minutes na kanta ay para kang kinuwentuhan ni Taylor Swift ng mahabang nobela. Ganoon siya kagaling na musician for me.

"Hindi ako makakalaro bukas, kaya na ninyo?" Tanong ko. Unluckily, I have an exam tomorrow sa isang minor subject. Dahil competitive ako pagdating sa grades ko ay ayokong um-absent sa klaseng iyon bukas.

"May plano namang naiisip si Elvis at sa tingin ko naman ay kaya ni Callie na buhatin ang team as long as hindi ganoon kalakas ang makakalaban na team namin," he explained at focus lang si Dion sa daan kahit pa usad pagong kami rito sa EDSA. "Pinag-iisipan din ni Coach kung ili-lift niya ang suspension ni Larkin bukas para may assassin na lumaro sa game. Sabi naman ni Larkin ay wala naman daw siyang pakialam sa bash na sinasabi sa kaniya sa internet."

"Knowing Larkin's personality, he don't mind his basher talaga." Sagot ko sa kaniya at nagbukas ako ng Gmail ko. "May email sa akin si Gov. Paolo." Napatingin sa akin si Dion at ibinaling ko ang ulo niya sa daan. "Eyes on the road po."

"Ano na naman ang sinabi ng lalaking iyan? Manggugulo na naman ba?" Pinaandar niya ang sasakyan.

"Dion, naka-move on na 'yong tao. You still consider Pao as a threat pa rin talaga?" naiiling kong sabi sa kaniya.

"Kung siya ay naka-move on, puwes ako ay hindi. May pabula-bulaklak pa sa Mini forest at sinurprise ka pa sa harap ng maraming tao." Bakas ang inis sa boses ni Dion at parang malinaw na malinaw sa isip niya ang nangyari noong araw na iyon. As if naman na nandoon talaga siya noong araw na iyon samantalang short clip from twitter lang naman ang nakita niya. "Anong sinabi niya ngayon?"

"He is inviting me to have a speech, opening daw para sa Hunter Online Tournament na gaganapin sa University." I informed him at ipinakita ko kay Dion ang laman ng email para maniwala siya. Super formal din ng sinend sa aking email ni Paolo at walang feelings attachment talaga.

"Mag-go ka?" tanong ni Dion at medyo lumuwag na ang trapiko kung kaya't nagging tuloy-tuloy na ang biyahe namin.

"I don't find any reason to say no, saka sabi ko naman sa 'yo malaki ang utang na loob ko kay Paolo dahil sa pagtulong niya sa ginawang pagtulong natin sa Nueva Ecija, remember?" Malaki ang tulong na ginawa sa amin ni Paolo kung kaya't hindi ko rin gusting tanggihan ang small favor na hinihingi niya. "It's a good opportunity to encourage young people din in gaming industry."

"If you are cool with it, then go, magbigay ka ng speech sa small tournament sa school ninyo." Dion said.

"Akala ko ba ayaw mo kay Pao?"

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon