Chapter 186: Cause of Confession

3.4K 328 234
                                    

Twitter: #HunterOnline or mention me @Reynald_20

Vote, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you!

"I LIKE you

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"I LIKE you." Saad ni Thaddeus habang nakatingin sa akin. Napatigil kaming lahat at maging ako ay hindi ko alam kung paano siya ite-take. Hinihintay ko kung may idudugtong pa si Thaddeus kagaya ng 'as a friend, joke, as younger sibling' pero wala.

"I-I also like Milan! Crush is paghanga lang din naman," Sagot ni Larkin. "Parang lahat naman tayo nagka-crush kay Milan at some point." Dugtong niya at sinusubukan na mawala ang awkward atmosphere sa paligid.

"I also used to like her." Sabat pa ni Callie. "Pero wala nabakuran na siya ni Dion dati pa man." He awkwardly laughed at parang biglang nawala sa kalasingan si Callie.

Alam kong sinusubukan lang nila isalba ang sitwasyon. Napainom ako ng wala sa oras at hindi ko na magawang makatingin kay Thad.

Callie gave sign to Sandro using his eyes at itinuro 'yong camera.

"Ano. Patayin ninyo na 'yong live." Utos ni Sandro. "Too much information na ngayong araw... grabe, ang init." He said. Tumayo naman si Larkin at in-end ang live.

"The fuck, Thaddeus, bakit mo sinabi 'yon?!" Reklamo ni Kurt noong wala nang live na nakatutok sa amin. "Alam mo ba kung ilang libo ang nanonood no'n!"

"Bakit? Tinanong ninyo ako kung sino 'yong taong gusto ko. Sinagot ko lang naman." Sagot ni Thaddeus sa kaniya at uminom muli. Pinipigilan na siya ni Tristan pero naubos na ni Thad ang alak na nasa baso niya.

"Huwag ninyo nang sermunan. Lasing na." Tanggol ni Tristan sa kaniya. "Sabi ko sa inyo ay mababa ang alcohol tolerance nito, eh."

"Thad, okay, gets ko na gusto mo si Milan. Pero bakit ka naman umamin na libo-libo ang nanonood sa atin. This will be a big issue!" Napasabunot si Sandro sa kaniyang ulo dala ng frustration.

"He asked me." Turo nito kay Larkin. "Tapos pinressure ninyo ako na sagutin 'yong tanong. Tapos ako pa rin 'yong mali? The fuck, saan ako lulugar?" He asked at pinipigilan na siya ni Tristan na uminom.

"Thad, bakit mo sasabihin 'yon? Alam mong may boyfriend 'yong tao!" Sandro said.

"Sandro, okay lang ako." Sagot ko dahil mukhang naiinis si Sandro sa sitwasyon. "We can explain na lang kung sakaling lumaki 'yong issue."

"Dahil iyon ang totoo, nagkagusto ako kay Milan."sagot ni Thad at pulang-pula na ang mukha niya dahil sa alak.

Tumayo si Thad at napasuray-suray para makabalanse. Muntik na nga siyang mahulog sa pool, mabuti na lang at naalalalayan agad siya ni Tristan. "Tama na, Thad, lasing ka na. Magpahinga ka na sa roo—"

"Hindi. Okay pa ako." Thad answered at tiningnan kami isa-isa. "Bakit parang kasalanan ko? In the first place, kayong lahat ang dahilan kung bakit lumalim 'to ng ganito." Turo niya isa-isa.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon