Chapter 182: Pressure of New Role

3K 355 105
                                    

Twitter: #HunterOnline or mention me @reynald_20

Votes, comments, and sharing the story is highly appreciated.

"TWO  more laps!" Malakas na sigaw ni Coach Russel habang tumatakbo kami sa buong Villa Pura

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"TWO more laps!" Malakas na sigaw ni Coach Russel habang tumatakbo kami sa buong Villa Pura. Maaga pa lamang ay ginising na kami nila Coach para sa morning jog. He want this to be part of our daily routine bilang paghahanda sa tournament.

"Akala ko Esport tournament ang sinalihan ko... hindi naman ako... nasabihan... olympics pala 'to." Reklamo ni Oli sa pagitan ng kaniyang paghinga.

"May sinasabi ka Oliver?" Coach Russel asked at lumiko sa isang kanto. Argh, hindi sa shortcut dumaan.

"Coach... five minutes... break." Oli said at bumagal ang kaniyang pagtakbo at hinitak naman siya ni Noah para bumilis ulit. "Putangina mo ka. Masakit na katawan ko."

"Kaka-break lang natin kanina. Last two laps tapos balik boothcamp na tayo!" Anunsyo ni Coach Russel at pinunasan ko ang tagaktak kong pawis. Isa sa mga pinoproblema ko ay ang pag-change role ko sa laro dahil hindi ko alam kung anong magandang class ang babagay sa akin bilang bagong core ng Yugto Pilipinas

Ewan ko rin sa sarili ko kung bakit ang impulsive ng desisyon ko noong nakaraan! Bigla na lang akong um-agree, siguro marahil ay gusto kong makabawi kanila Coach sa ginawa kong pagtakas pauwi ng Bulacan. At isa pa, tama rin naman si Dion na at the back of my mind, gusto ko siyang gawin pero natatakot lang ako sa time pressure at sa panibagong challenges.

Sinabayan ko si Callie sa pagtakbo. Napatingin ito sa akin at tinanggal ang isang airpods niya. "Karerahan ba ulit?" He asked.

"God Callie, lahat na lang kumpetisyon sa 'yo." Reklamo ko.

"Siyempre! Gusto kong patunayan sa inyo na magaling ako sa lahat. Hindi pa isinisilang ang tatalo kay Callie the great." Pagmamayabang niya. Ang lamig-lamig na nga rito sa Tagaytay ay sumabay pa ang kahanginan nitong kurimaw na 'to.

"I just want to ask you one question," lumingon sa akin si Callie. "Bakit sinabi mo kanila Coach na ako ang mag-core sa international tournament na ito?" Tanong ko sa kaniya.

"Hmm..." saglit siyang nag-isip at uminom sa hawak niyang tumbler. "Wala lang. Maiba lang." Sagot niya at natawa.

"Ano nga!" Pagpupumilit ko sa kaniya.

"Kasi kinukulit nga ako nila Coach na mag-core this time, eh, para sa akin hindi na tayo mananalo kapag ako ulit ang core. Hindi ko sinasabing humihina na si Callie the great pero ang dami na kasing information or videos sa internet na nagpapakita kung paano ako lumaro bilang core." Paliwanag niya, sineset aside ko na lang talaga ang kahanginan niya dahil nakukuha ko naman ang point ni Callie.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon