HAPON na noong nakabalik kaming dalawa ni Dion sa dorm. Diya ang nag-drive papuntang Bulacan (since may exam ako sa Funda) tapos ay tumambay siya sa bahay hanggang matapos ang buong klase ko for that day. Dion is always welcome in our home, kasundo niya rin naman si Dad at lalong-lalo na si Kuya London.
Pagkabalik namin sa Boothcamp ay isang sasakyan ang nakapukaw sa aming atensiyon na naka-park sa labas ng bahay. "May bisita ba tayo?" tanong ko kay Dion at bumaba kaming dalawa ng sasakyan.
"Ewan ko, ikaw Captain, eh." He chuckled.
I rolled my eyes. "As if naman lahat ay dapat kong malaman. Baka naman potential sponsor?" Hula ko. Nagkibit-balikat si Dion at sakto namang lumabas si Robi para magtapon ng basura.
Tumingin si Robi sa amin. "Nandiyan na pala kayo, kumusta exam?"
"Buti na lang multiple choice kahit show your solution?" paliwanag ko sa kaniya. God worth it, 'yong pag-iyak ko kahapon dahil madami-dami akong nasagutan at kampante akong makapapasa. "May bisita tayo?"
"Ah," tiningnan saglit ni Robi ang sasakyan. "Nandiyan na si Knightmare, kasama parents niya sa boothcamp. Kausap nila Sir Theo."
Pumasok kami sa loob ni Dion. Iilan pang ang players na nandito dahil ang iba ay may mga sariling lakad at may ibang pumasok din sa school nila. Ang nakatutuwa kanila Sir Theo, they encouraged us to socialize with other people kapag tapos na ang practice o kaya naman ay umalis kami ng Boothcamp para mag-unwind.
"May tournament daw ulit tayong sasalihan next week." sabi sa akin ni Larkin.
"Saan daw?"
"It's a tournament that is sponsored by Lemon Cola." He continued. Ang Lemon Cola ay isang kilalang beverage drink dito sa Pilipinas.
"Hindi pala basta-bastang tournament 'yan." Bigla ko tuloy inisip kung sino ang magiging lineup namin for this tourna.
Isa sa mga kinakailangan naming salihan na tournament ay ang mga tourna na sponsored ng isang brand. We need a strong support that will provide us ng mga bagay na kinakailangan namin sa laro. Kahit pa isang beverage company ang may hawak sa Lemon Cola, nagbe-venture pa rin sila sa ESports para mas makilala ang brand nila or mas maging matunog.
Huwag na tayong maglokohan, malaki ang gaming community kung kaya't marketing strategy din para sa kanila ang pag-i-sponsor ng isang tournament at isa naman iyong opportunity para sa aming mga players.
"Inaantok pa ako." sabi sa akin ni Dion
Nagmalungkot na mukha ako. "Sorry." Iniabot ko sa kaniya ang mga throw pillow upang magsilbing unan niya.
Sobrang na-touch ako kay Dion ngayong araw. He woke up early para maghanda ng almusal ko (which is bread with peanut butter lang) tapos ay hinatid niya ako hanggang Bulacan. Umalis kami rito sa Boothcamp ng 6:00AM para makaabot sa exam ko nang 8:00AM.