Chapter 14: The Girl with Potential

12.7K 1.2K 608
                                    

DION

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DION

KAHAPON ay sinabi sa akin ni Axel na sabihan ko si Shinobi na mag-online upang makasama siya sa mga players na i-e-evaluate ni Sir Greg ngunit hindi ko nahanap si Shinobi.

Kaya ngayon ay bumalik ako sa Silanya Town kahit medyo may kalayuan ang Bayan ng Rokuto rito. I need to find Shinobi and tell her that she have a chance to become professional player.

"Sigurado ka bang dito mo mahahanap si Shinobi, Rufus?" Tanong ni Anonymouse sa akin habang nakasunod. (Which is si Oli outside the gaming world) "Mukhang magaling na player si Shinobi, hindi mag-i-stay 'yon dito sa Silanya lalo na't puro Beginners na lamang ang nandito.

"Nakita mo ba siya sa Rokuto Town?" Tanong ko habang palingat-lingat ako nang tingin sa paligid.

"Hindi."

"May iba ka pa bang alam na puwede niyang puntahan?"

"Wala. Pero malay mo ay nagku-quest siya sa labas." Sagot ni Anonymouse sa akin. "Baka naman nagbe-beauty sleep na 'yong babaeng laki sa aircon na 'yon."

I am not finding Shinobi because I want her in our team... Gusto kong manalo this season. Magda-dalawang taon na rin ako sa Battle Cry at ilang players na ang nakita kong umalis at pumalit. Pero hindi pa namin nararanasan ang championship. Ni-hindi nga kami nakakaabot sa Final four.

Last season, hindi man lang kami naging qualified for the top 10 teams. Oo, hindi ako ang captain nf Battle Cry pero gusto kong manalo kami. Recruiting new talented players will gradually increase our skill.

Nararamdaman kong may kayang ilatag si Shinobi para matulungan ang Battle Cry. Ilang beses na niyang pinatunayan sa Hunter Online na hindi lang siya babaeng player.

"Natatandaan mo ba 'yong mga kasama niya noong nag-Ogre raid sila?" Tanong ko kay Anonymouse. Nakakahiya nang maglakad dito sa Silanya Town lalo na't puro new olayers ang nandito. Iba ang dating sa kanila ng mga Hunters na kasama sa mga professional team.

"Wait, na-screen capture ko 'yon. Check ko lang." Sabi niya at parang may ginagalaw sa hangin si Anonymouse at may mga button na lumalabas.

"Isa rin talaga sa mayayabang na team 'tong Battle Cry pagdating sa Hunter Online. Tingnan mo, imbes na nagpa-practice ay naglilibot sila rito sa Silanya Town."

Sanay na akong makarinig ng mga ganoong komento mula sa ibang players. May mga Hunters talaga na ang tingin sa aming Professional Players ay mayayabang.

Yes, we always bragged about our achievements in the game. Pero ginagawa namin iyon dahil kailangan. Kailangan naming iangat ang team namin kahit mayabang ang tingin nila sa amin.

"Ayon nahanap ko na, ang kasama niya sa Raid ay sina Laplace, Raindear, Synix, SilverKnight, at Klayden." Paliwanag sa akin ni Anonymouse.

"Maghiwalay tayo,"

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon