Chapter 48: Sorry

9.7K 1.2K 723
                                    

HOW to say sorry if you lie?

PAIKOT-IKOT ako sa kama habang kanina pa nagsi-search sa Google kung paano ako magso-sorry kay Dion. Matapos kasi ng sagutan nila ni Axel kanina ay hindi ko na alam kung paano siya ia-approach. Hindi man niya sinasabi ay pakiramdam ko ay may inis sa akin si Dion.

"Ang dami namang suggestion dito sa Google. Pero feeling ko ay hindi ko naman magagawa." mahina kong reklamo at ibinaon ang aking mukha sa unan.

Naputol ang aking pag-iisip noong may marinig akong katok mula sa pinto. Naririnig ko ang mga boses na nagsasalita sa labas pero hindi ko naman maintindihan ang pinag-uusapan nila.

"Kumare, pabukas ng pinto!" sigaw ni Oli at malakas na kinakatok ang pinto.

"Heto na! Sandali lang!" Pinagmasdan ko muna ang sarili ko sa salamin at inayos ang nakagulo kong buhok bago ko sila pinagbuksan.

As soon as I opened the door ay itinulak nila si Dion papasok na ikinagulat ko pa. "A-Anong nangyayari?" I ask confusedly.

Sinubukan ni Dion na lumabas pero tinulak siya ulit ni Kendrix papasok.

"Para naman 'tong mga gago. Wala na nga akong toyo. Papasukin na ninyo ako sa room natin." inis na reklamo ni Dion.

"Hindi, magpalamig ka muna ng ulo diyan sa kuwarto ni Kumare, baka sigawan mo na naman kami ng walang dahilan, mahirap na." Gavin said.

Isinara na ni Gavin ang pinto at naiwan kaming dalawa ni Dion sa loob. Wow, ang dalas niyang tumambay dito sa room ko pero parang ngayon lang naging awkward ng ganito.

Dion sighed. "Tanginang mga kasama sa room 'yan."

Napalingon kami ulit sa pintuan noong bumukas ulit ang pinto. Sumilip si Gavin.

"'Yong sinabi kong magpalamig ka ng ulo... I meant 'yong ulo na may utak, ha? 'Yong sa taas. Ayusin mo desisyon mo sa buhay." he chuckled ang closed the door.

Tinanggal ni Dion ang tsinelas niya at ibinato sa pinto. "Mga gago!" he shouted at malakas na nagtawanan sina Oli habang naglalakad papaalis.

Dion sat on the swivel chair and massaged his forehead. Nagkatinginan kaming dalawa.

"Tubig?" Pambasag ko nang katahimikan at binuksan ko ang mini fridge sa room ko.

"Salamat." tipid na sagot ni Dion at nag-cellphone na siya habang relax na nakaupo sa upuan.

Hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya, humiga na lang ako sa kama at kunwaring nag-cellphone. Pasilip-silip ako kay Dion at mukhang wala nga talaga siyang balak na kausapin ako.

Hindi ko nga alam kung bakit ako nagi-guilty na hindi ko sinabi sa kanya na matagal ko ng alam ang pag-alis ni Axel, eh!

Tumingin ulit ako kay Dion at napansin kong nakatingin pala siya sa akin. "Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na. Naiilang ako sa pasilip-silip mo." he said at bumalik ulit ang tingin niya sa cellphone niya.

Ibinaba ko ang cellphone ko sa kama. "Paano ko sasabihin, puro ka cellphone. Ayaw mo nga akong tingnan." reklamo ko at umupo sa kama.

He sighed. Ipinatong iya ang cellphone niya sa study table at pinagulong ang swivel chair papalapit sa akin. "Oh, anong sasabihin mo?"

"Sorry na." mahinahon at seryoso kong sabi.

"Kasi?"

"Hindi ko sinabi sa 'yo na matagal ko ng alam na aalis si Axel sa team. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagso-sorry, wala naman ako sa lugar na sabihin ang tungkol doon sa 'yo." His brows frowned. "Okay, sorry na."

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon