IKALAWANG ARAW na ng qualifying round. Nasa sala kami ng buong Orient Crown at hinihintay na matapos ang naunang match bago kami sumalang. We are all wearing our jersey at hawak ng mga lalaro ang kani-kanilang nerve gear na gagamitin sa laban.
"Tandaan ninyo, focus lang kayo sa laro at makiramdam sa team mates ninyo. Saluhan lang. Iwasan ninyo matamaan ng mga skills nila. Isang combo lang kayo ng Twin Blaze ay paniguradong out na kayo sa laro." Paliwanag ko habang tinitingnan ang mata nilang lahat at nakaupo sila sa mahabang sofa.
"Yes, Captain!" They answered in unison.
Isa ang Twin Blaze sa mga bagong grupo na nabuo sa Hunter Online at wala ako masyadong alam sa kung paano sila lumaro. Pero iba si Larkin Oppa, may ways talaga siya para makakuha ng information sa ibang team. Ayon kay Oppa ay binubuo ang Twin Blaze ng Mage at Support sa kanilang mga labanan. They usually target one enemy at a time. They will burst their skills sa kanilang target para mabilis itong ma-eliminate sa laban.
Sina Kaizer, Callie, Larkin, Genesis, Noah, Dion, Kaden, at Elvis ang sasalang sa laban ngayong araw. Napatingin ako sa TV at tapos na ang laban na pinanonood namin. Tumayo na ang mga lalaro at inapiran kami isa-isa.
"Good luck, guys, remember to keep your distance to your enemy at kapag nalapitan ninyo sila... Take that as your chance. Callie, Kaizer, Larkin, Genesis... Kayo na ang bahala para mahuli sila." I explained and smiled. I mean malaki ang tiwala ko sa mga miyembro ng Orient Crown na lalaro ngayn kahit wala ako sa lineup. They know how they will handle the situation.
"One more thing, siguraduhin ninyo na mataas ang magic defense ng mga equipments and armors ninyo para ma-lessen ang bawat kahit papaano. Be bold..." Ibinaba ko ang kamay ko at pumabilog ang buong team.
"Gold!" We shouted and I clapped my hand.
Pumuwesto na sila sa inclining chair at umakyat na sina Coach at Sir Theo sa itaas (since bawal sila sa match area). Tinulungan ko sina Genesis sa pagkakabit ng Nerve gear nila. I immediately checked Noah. Umaakto lang ito na parang cool at hindi kinakabahan (since he idolized Callie) pero kabisado ko na ang batang ito.
"Huwag kang kabahan." sabi ko kay Noah.
"S-Sinong kinakabahan? Buhatin ko pa kayo." he responded at napailing na lang ako. Magkapatid nga yata sila ni Callie, kapag naging mas malakas pa si Noah ay iba na rin ang hangin na dala niyan.
"Focus ka lang. Kulitin mo lang sila, malaki ang papel mo sa laro Noah since ikaw ang decoy namin para makuha ang atensiyon ng Twin Blazer." Paalala ko sa kaniya at tumango ito sa akin.
Napatingin sa akin si Dion habang kinakabit ang kaniyang nerve gear. Ang aga ng match namin ngayong araw pero itong lalaki na ito ay walang ligo-ligo kahit ie-ere sa facebook page ng Hunter Online ang match na ito. Same old paniniwala noong nasa Battle Cry kami, minamalas daw siya sa match kapag naliligo siya before the match.