Chapter 96: Love Language

10.5K 1.1K 656
                                    

"YES, walang laban ngayon!" Malakas na sigaw ni Noah at napasuntok pa soya sa hangin noong mabalitaang wala kaming match ngayong araw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"YES, walang laban ngayon!" Malakas na sigaw ni Noah at napasuntok pa soya sa hangin noong mabalitaang wala kaming match ngayong araw. Take note, ngayong araw lang, nagkaroon kasi ng internet problem sa kalaban naming team kung kaya't kinakailangan itong i-postpone.

Well, it's a good news for us dahil kahit papaano ay magkakaroon kami ng isang araw na pahinga sa qualifiers. I mean, ilang araw ng sunod-sunod ang laban namin at sobrang nakakapagod siya.

But the bad side is, puwedeng masira ng pahinga na ito 'yong momentum ng grupo.

"Buti na lang may pahinga. Ang sakit kaya ng katawan ko kahapon," reklamo ni Larkin at iginalaw-galaw niya ang kaniyang braso.

"Swimming pa." Natatawa kong sabi. Paano ba naman, wala silang ahunan sa pool hanggang sa maging kikiam na ang mga daliri nila. "Sayang 'yong pagpupuyat natin sa brainstorming, Oppa."

"Bakit naman masasayang? Magagamit naman natin siya bukas kung matutuloy na ang laban natin against Blood Connection. Pahinga din Captain. Atleast ngayon ay wala ka nang poproblemahin dahil nakalatag na ang lahat para sa laban bukas." Paliwanag ni Oppa at napatango naman ako dahil may point.

Napatigil ang usapan naming dalawa noong mag-isang tumawa si Liu. "Siraulo ka ba?" Tanong ni Larkin at natawa ako.

"Tanga, naisip ko lang, Blood Connection ang name ng team tapos walang internet sa boothcamp." Malakas na natawa si Liu at napailing na lang ako. May mga oras talagang ang sarap itakwil ni Pekeng chinese bilang kaibigan.

"Ang basher ninyo sa ibang team." Naiiling kong sabi at tumayo na ako mula sa couch para mag-unat. I have a whole day to rest at plano kong magbawi ng tulog tapos ay mag-aral.

"Alam mo kasi, Milan, 'yong trashtalk ang nagbibigay buhay sa mga laro." Liu defended his actions. "Kapag nagkakainitan ang dalawang team, mas magandang laro ang maipapakita sa viewers.

May point pero ako kasi, naniniwala ako na sa oras na namersonal ka na sa laro... Talo ka na. Ginawa naman kasi ang mga games in the first place to makes people happy.

"Sabi nga ni Kuya Callie, inisin mo lang nang inisin ang kalaban hanggang sa masira ang laro nila." Noah said.

"Alam mo, ikaw, naniniwala ka sa lahat nang pinagsasabi ni Callie. Kapag nagsasalita 'yon ay may mas malakas pa sa Super Typhoon."

"Gusto kong maging katulad niya, eh. Gusto ko rin umabot sa point na kukuhanin din ako ng international teams."

"Naku, Noah, marami ka pang laro na dapat laruin at marami ka pang dapat matutunan." Dumating si Dion hawak ang oatmeal na pinaluto ko. "Heto na 'yong pinaluto mo, Boss Madam."

"Chika mo, kahit ikaw ay nagke-crave sa oatmeal ngayong umaga." Depensa ko dahil siya gusto niya rin naman talaga magluto. "Anong pinag-uusapan ninyo?" He asked to join our discussion.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon