Chapter 155: Royals Vs. Dragon III

4.7K 482 216
                                    

Twitter: #HunterOnline or mention me @reynald_20

Isa pa palang chapter before the ending of season . 😅

BEFORE we left our hiding spot, sinigurado kong may maayos at konreto kaming plano na mabubuo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BEFORE we left our hiding spot, sinigurado kong may maayos at konreto kaming plano na mabubuo. "Ang plano ay makaakyat ako sa tore ng hindi nila napapansin. As much as possible, huwag kayong mag-e-engage sa mga team battle. Kung feeling ninyo kaya ninyong pumitas ng kalaban, trust your guts but at the same time do it with precaution," I explained then they all nodded.

"If mababawasan tayo, it will be harder for us to win this game. Vegas is our key holder, we need to subtly protect Vega—"

"No. Don't protect me." Vegas said. "Hindi sila tanga, isang kakaibang galaw ay mahahalata nilang ako ang key holder. Just act normal, kaya kong protektahan ang sarili ko. Ako pa, malakas ako." Napailing na lang ako sa kayabangan niya.

"Basta ang goal natin sa ngayon ay palihim akong makaakyat sa tore. After that, wait for my further instruction." I continued.

"Yes, Captain." sagot ni Rufus, Skorpion, at Vegas.

[Orient Crown] Shinobi: Nodaichi, LastGuardian, ShadowChaser. Kumusta ang lagay ninyo?

[Orient Crown] Nodaichi: Yez Madam. Nakatago ako sa isang puno. Kung ako sa inyo ay tatakas na ako diyan kasi papunta na sila Skullex sa market area. Di ko kayo ba-back-up-an. Mamamatay ako, sayang screentime sa tourna.

[Orient Crown] Vegas: Talaga namang wala kang screentime, 'di ka naman umaalis sa pinagtataguan mo. Weak.

[Orient Crown] Nodaichi: Gagu.

[Orient Crown] LastGuardian (Kaden): safe din kami ni ShadowChaser. They are targeting you guys.

Napatingin ako sa mga kasama ko dahil kailangan namin magmadaling umalis. "Skorpion, ikaw na ang bahala magpahabol sa kanila." I showed him the map. "Sa eskinitang ito ay sasalubungin ka ni Nodaichi, you can hide in the manhole for the meantime. Also huwag mong ipagalata na doon ka nagtatago." I informed him.

Skorpion nodded. I swriously stare at him. "Huwag kang mamamatay. Crucial ka sa unang bahagi ng plano. If you will die, masisira ang lahat."

"Noted Captain." He answered.

"Magtiwala ka kay Genesis, alam niya ang gagawin niya." Nakangiting sabi sa akin ni Rufus.

Hawag ko na ang isang bomba at handa ko nang ihagis sa isang fruit stall. "Handa na kayo?" I asked them.

They nodded. Hinagis ko ang bomba. Hinintay namin na makagawa ito ng malakas na pagsabog at doon na kami kumilos. Tumakbo papaalis si Skorpion habang kami nila Rufus ay dumaan sa manhole at maigi itong tinakan. Mabilis ang pagtakbo na ginagawa namin.

Nakatingin ako sa mapa habang tumatakbo upang masigurado na tama ang lalabasan namin. "Anong pinaplano mo, Milan? Anong mayroon sa tore?" Rufus asked.

"Sa oras na makaakyat ako sa tore ay mapapalagan ko si Skullex. I can counter his plan. Trust me, iyon na lang ang posible nating gawin para manalo sa labang ito." I explained to him. Saglit kaming tumigil.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon