I CONSIDERED na isa sa mga safe space ko ay kapag kasama ko ang mga College friends ko. Sobrang napapatawa ako ng kulokoy boys at ni Shannah kapag nagbabangayan sila. Kapag kasama ko sila ay nakalilimutan ko lahat ng stress ko sa boothcamp kung kaya't kapag uuwi ako ng Bulacan ay ang makita sila ang isa sa mga nilu-look forward ko.
Pero ngayong nakatambay kami sa ground floor ng Department namin (katatapos lang ng first class namin) ay ramdam kong may kakaiba. "May assignment na kayo sa General physics?" tanong ko.
"Ah, gumawa na kaming dalawa ni Tomy noong friday bago kami umuwi," sagot sa akin ni Shannah. "Kayo ba, Clyde, nakagawa na kayo?"
"Ngayon ba ang pasahan noon?" tanong ni Clyde. "Shit akala ko next meeting pa kasi sabi ni Ma'am Mariano ay by this week. Akala ko sa next meeting this week." Dali-daling kumuha ng yellow paper si Clyde sa bag niya at ganoon din si Trace.
Iniabot ko 'yong papel ko para mapakopya sila. "Ibahin ninyo na lang 'yong drawing tapos 'yong ayos ng solution para hindi halata." Paalala ko at nag-okay sign silang dalawa at dali-daling kumopya.
"Hindi kayo magkakasama noong friday?" Tanong ko kay Tomy at hinayaan na kumopya ang dalawa. At isa pang rare na si Clyde ang kumokopya ngayon dahil madalas ay isa rin 'yan sa mga unang gumagawa ng assignment.
"Nitong sem na 'to, madalang din kaming magkasama-sama, eh." Paliwanag ni Tomy. "Lagi kong kasama si Shannah kasi madalas ay tumatambay kaming dalawa sa coffee shop... May tinatapos daw na libro. Eh, itong dalawa ay sa computer shop naman tumatambay kapag vacant."
"Naku 'te, hindi mo kaya ang sinusulat kong libro ngayon. 10 chapters pa lang ang naipo-post ko sa Wattpad pero malapit na may hundred thousand reads. Feeling ko, eto na 'yon, ako na talaga ang next Jonaxx sa Wattpad, nararamdaman ko." I can see the sparks in Shannah's eyes at masasabi kong passion niya talaga ang pagsusulat kahit Computer Science ang course niya.
"Eh ba't kailangan kasama mo pa si Tomy?"
"Ewan ko diyan! Nilalandi ako!" natawa ako sa sinabi ni Shannah pero kita ko sa dalawa na parang may something. I mean, masaya ako para kay Shannah, ilang buwan niya na yatang iniiyak kay Lord ang pagiging single niya pero hindi ko lang in-expect na kay Tomy na kaibigan din namin.
In reality talaga, pansin ko, hindi nahuhulog ang mga babae sa bad boys! Nakakakilig lang sila sa mga drama at novels pero ang red flags nila in real life! I rather date someone (Dion) na mabait at iniingatan ako, 'no!
"Hindi rin kayo madalas lumabas kapag nasa school kayo?" Tanong ko sa kanila.
Nalulungkot lang ako na sobrang intact ng barkada namin noon. To the point na nagkikita pa kami kapag weekends kahit magkakasama kami araw-araw sa school. Masaya pa rin naman pero parang nagkakaroon na ng gap sa pagitan naming lima... 'Yong hindi na katulad noon.
"Hindi. Gagi wala akong budget sa coffee shop araw-araw." Reklamo ni Trace na mabilis na kumokopya. "Tanginang kape sa starbucks 'yan, 200."
Shannah rolled her eyes. "Pero sa Computer shop may pera ka, tse! Heaven kaya para sa aming mga writers ang Starbucks."