Chapter 25: Pressure is On

12.1K 1.2K 608
                                    

KINAUMAGAHAN ay maaga akong nagising para sa morning routine ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KINAUMAGAHAN ay maaga akong nagising para sa morning routine ko. Dati ay ayaw na ayaw kong tumatakbo ako sa umaga since nakakahingal pero ngayon... Parang nakakawala din ng stress kapag pinagpapawisan ako.

Narinig ko ang katok sa pinto ng room ko at minadali kong isintas ang sapatos ko. "Wait lang!" Sigaw ko para marinig niya.

I opened my room door at nakita ko si Dion na nakasibangot habang magulo pa ang ayos ng kanyang buhok. He is wearing an oversized brown shirt and pang-basketball na short. "Bakit ganyan suot mo?" Tanong niya at humikab. "Gagala ka? Umagang-umaga, ah. Wala pa yatang alas-siete."

I gave him a permission na pumasok sa room ko at umupo siya sa kama habang nagtatanggal ng muta sa mata. "Magmo-morning jog ako." Nakangiti kong sabi sa kanya at tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin.

"Ah. Okay." Humiga si Dion sa kama at ipinikit ang kanyang mata.

"Samahan mo ako." Sabi ko.

"Ayoko." Sagot ni Dion sa akin at itinakip ang braso niya sa kanyang mata. "Hindi ako nag-e-exercise."

"Huy wala ka man lang sports o ginagawa para pagpawisan ka!" Reklamo ko sa kanya at umupo ako sa monoblock sa may study table.

"May sports ako. E-sports. Two years ko nang ginagawa." Sagot niya sa akin.

"Dion, samahan mo na ako." Pagpupumilit ko. "Kahit ngayong araw lang, please, bago lang ako dito sa village ninyo. Hindi ko pa kabisado 'yong mga lugar. Just introduce me sa mga streets dito and bukas kahit ako na lang mag-isa."

Itinaas niya ang kanyang braso at idinilat ang kanyang kanang mata. "Weh? Scammer ka, eh."

"Oh God, ang tagal na no'n, Dion, move on din kapag may time." Inis kong sabi at hinatak ko na ang braso niya para makatayo. "Magbihis ka na. Kahit ngayon lang. Promise."

It's funny dahil dati ay si Kuya London ang gumigising sa akin para mag-morning jog pero ngayon ay ako na 'tong nangungulit para may sumama sa akin.

"Argh!" Inis na napasigaw si Dion at ginulo ang kanyang buhok pero tumayo rin naman para maglakad pabalik sa room nila. "Bakit ba kasi ako?"

"Ikaw po kasi ang pinaka-close ko dito kung kaya't ikaw lang ang nakikita kong puwedeng gambalain." Nakangiti kong paliwanag.

Humarap siya sa akin. "Ngayon lang 'to, ha." Seryosong sabi ni Dion. "Bukas maghanap ka ng ibang kakaladkarin para sa jogging mo." Sabi niya.

I raised my right hand. "Promise." I smiled to him. "Now, go, magbihis ka na. Samahan mo na ako."

Nanlulumong naglakad papalabas si Dion. "Ayoko ngang tumakbo, eh." Mahina niyang reklamo bago niya isinara ang pinto.

Kagabi din ay sinend sa akin ni Coach Robert ang schedule namin for practice. So mamayang 1PM ay makakasama na ako sa kanila mag-quest o mag-practice.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon