Chapter 89: Holy Trinity

12K 1.2K 395
                                    

HINDI ko naman in-expect na ganito magiging kabilis ang mga araw dahil bukas na bukas na magsisimula ang qualifier round para sa Season four tournament

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HINDI ko naman in-expect na ganito magiging kabilis ang mga araw dahil bukas na bukas na magsisimula ang qualifier round para sa Season four tournament. Ito na 'yong tournament na ilang buwan naming pinaghandaan at masasabi kong biggest competition na sasalihan ko sa gaming career ko.

Mabuti na nga lang at hindi na sumabay ang midterms namin (which happened these weekdays lang) at pinayagan ako ng mga professor na um-absent for a week dahil checking lang naman daw ng test papers iyon and they will send a PDF copy na lang sa email ko para maintindihan ko pa rin. Thankful nga ako sa buong College of Science dahil sinusuportahan nila ang gaming career ko dahil dala-dala ko rin naman daw ang university namin sa ginagawa ko.

"Na-final mo na 'yong line up for the qualifiers?" Tanong ni Dion habang nag-da-drive siya pabalik sa boothcamp. Sinundo niya kasi ako sa SM North dahil kababalik ko lang sa Maynila. What I like the most about my boyfriend is his consistency, he never failed to make me feel that I am special.

"Hindi pa nga, eh. Bakit kasi 8 players per team lang ang sasalang sa qualifiers?" reklamo ko sa kaniya. I mean, ang daming magagaling na players sa Orient Crown. Napag-usapan naman namin na no hard feelings kung sakaling wala sila sa line up dahil para sa team naman iyon. Pero alam ninyo 'yon? As the Captain ay ako ang nanghihinayang kapag hindi lumaro si ganitong player, si ganyan kasi nakita ko 'yong growth nila kapag nagpa-practice kami and kapag isasalang sila ay alam kong may chance naman manalo. "Dapat si Coach Russel na ang nag-decide kung sino ang ilalaban bukas, eh."

Dion chuckled. "Ayaw mo no'n? Malaki ang tiwala sa 'yo ng management. Ikaw ang nag-iisang Queen of Hunter Online." Pang-aasar niya na naman. "Naks, Queen."

"Alam mo, pasalamat ka nagda-drive ka kung hindi ay susuntukin talaga kita." Banta ko kay Dion na tinawanan niya lang.

"May gusto ka bang kainin? Bago tayo bumalik sa Boothcamp? Baka mamaya sabihin mo na naman hindi mo ako inayang kumain, nagugutom na kaya ako." He imitated my voice at pabiro ko siyang inirapan at kalaunan ay natawa na rin ako. "Oh 'di ba? Natawa ka. Ganyan ka kasi."

"Hoy hindi kaya! Mayroon ako that day kaya super moody ko. Pero daan tayo sa Mcdo, try natin 'yong korean burger na bago nila." I suggested.

"Ah, masarap. Na-try na namin. Sarap noong kimchi." 

Bumaling ang tingin ko kay Dion and his brows crunched. "What?" He asked.

"Hindi mo man lang ako inaya. Traydor ka talaga."

"Libre lang 'yon ni Coach pagkatapos ng training noong wednesday. Eh wala ka naman sa boothcamp noon, nasa Bulacan ka. Busy ka sa exam mo kaya hindi na kita muna inistorbo." Totoo, hindi nangungulit ng atensiyon sa akin si Dion during exam week ko kaya mas lalo akong nakapag-focus sa ginagawa ko.

Nag-drive thru lang kami saglit sa Mcdo dahil kailangan din naman namin makauwi agad sa Boothcamp. Matinding preperasyon ang kinakailangan namin for the match tomorrow against Dark Sonata. It's a team that we don't have any clue pero ano pa nga bang aasahan mo sa isang Qualifier round na napakaraming teams ang sumali. 

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon