Chapter 81: Feel the pressure

14.9K 1.4K 1K
                                    

Wow, we trended in twitter last night

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Wow, we trended in twitter last night... Again! Iba kayo guys!

NATAPOS na ang unang bahagi ng Lemon Cola Tournament at tanging apat na team na lang ang natitira sa game (No Mercy Esports, Orient Crown, ALTERNATE and Mad Rascals)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NATAPOS na ang unang bahagi ng Lemon Cola Tournament at tanging apat na team na lang ang natitira sa game (No Mercy Esports, Orient Crown, ALTERNATE and Mad Rascals). Lahat ng natitirang match ay gaganapin mamayang hapon at ngayon ay lunch break namin para makapagpahinga saglit sa mga nangyaring matches.

"Bakit hindi mo sa sinabi sa akin na Girlfriend pala ni Sandro si Ianne?!" Reklamo ko kay Dion habang kumukuha kaming pagkain sa food area.

As in parang nag-flashback sa akin 'yong nainis ako kay Dion dahil kay Ianne. As in hiyang-hiya ako sa sarili ko na napaamin ako ng dahil lang sa selos ko kay Ianne. Ang mas nakakahiya ay may boyfriend na 'yong tao at naging isa sa mga reason pa siya ng sigawan namin ni Dion.

Ianne, alam kong wala kang alam sa mga nangyari pero sorry.

"Nito ko lang din naman nalaman na sila pala ni Sandro. They are not dating publicly." Paliwanag ni Dion habang naglalakad kami sa food area, kumuha siya ng Menudo at nilagyan ang pinggan niya. "Gusto mo?" tanong niya.

"Gusto ko 'yong Kaldereta." Turo ko sa ulam. Si Dion ang sumandok ng ulam at nilagay sa pinggan ko. "E 'di sana sinabi mo sa akin noong nagtatalo tayo 'di ba?"

"Paano ko nga masasabi eh parang armalite 'yong bibig mo sa dami nang sinabi mo."

"Huy excuse me! Ikaw 'tong unang nang-away kahit panoorin mo pa ang CCTV ng Boothcamp." Kumuha ako ng fried chicked at Lumpiang Shanghai. "Anong pinapalabas mo, na talakera ako?"

Parehas kaming natigil sa pagkuha ng pagkain at nagkatinginan. Magkamali lang talaga ng sasabihin 'tong Cutie Player ng Nueva Ecija... FO kaming dalawa.

The corner of his eyes crinkled and smiled brightly. "Sorry na. Wala naman akong sinasabi na talakera ka." he chuckled at nilagyan niya ng isang cup ng fruit salad ang pinggan ko. "Kain ka madami, badtrip ka agad, eh."

"Epal nito." I said and he just laughed.

Matapos naming kumuha ng pagkain ay hinanap namin sina Sandro na kumakain sa gilid ng studio at nakaupo lamang sila sa lapag. Kasama niya sina Liu, Ianne, at ilang members pa ng ALTERNATE. Napalingon sa amin si Sandro at bahagya siyang umusog para makaupo kaming dalawa ni Dion.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon