Chapter 42: Bond of Three Sides

11.5K 1.3K 1.3K
                                    

PAGKARATING namin sa backstage ay hindi pa rin tapos magsaya ang buong grupo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAGKARATING namin sa backstage ay hindi pa rin tapos magsaya ang buong grupo. They are really shouting at wala silang pakialam kung pinagtitinginan sila ng ibang grupo rito sa Backstage. Wala naman nag-judge sa amin dahil alam ng ibang team na malaking laban ang naipanalo namin.

"Tanginang 'yan, iyak sa akin 'tong mayayabang na 'to," sabi ni Gavin at nakita namin siyang naglakad papunta sa iisang direksyon.

"Saan ka pupunta?" tanong ko at sumunod kami nila Oli sa kanya.

Nagulat ako noong buksan ni Gavin ang pinto noong waiting area ng Laxus Familia. Nakita pa namin na nag-aayos ng gamit nila ang Laxus Familia.

Sumandal si Gavin sa pintuan. "Tahol mga mayayabang."

Nagkatinginan kami ni Dion at napa-Ooh na lang dahil sinabi talaga iyon ni Gavin sa harap ng lahat ng miyembro ng Laxus Familia. Tiningnan niya talaga isa-isa ang mga miyembro nang team nila.

"Ngayon kayo tumahol." dugtong niya pa.

"Huwag kang makampante, babawi kami. We still have a chance to win this Summer Cup." sabi ni Jayzam sa kanya.

"Lolo mo babawi." Pambabara ni Gavin. "Next time focus muna kasi sa game bago kayo kumuda. Galingan ninyo, sana malaglag kayo." Naglakad na papaalis si Gavin at sumunod kami sa kanya.

Buti talaga wala si Axel ngayon kung hindi ay masesermunan itong si Gavin.

"Huwag na huwag mong gagawin 'yang ginawa ni Gavin," naiiling na sabi ni Dion sa akin.

"Alam mo, hindi ako na-guilty sa ginawa ni Gavin. They really belittle us before the match." I explained to him. "Tsaka, mabait ako. Never kong gagawin 'yan." I smiled to him.

"Kaya pala hindi mo kinamayan si Jayzam kasi mabait ka." Naiiling na sabi ni Dion at pinitik ang noo ko.

"Aray ko, ha! Ang sakit no'n!"

"Attitude ka talaga minsan, eh." sagot niya.

Bumalik na kami sa Standby area at nagligpit ng mga gamit namin. Buti na lang talaga at thurd match kami bukas, hindi na namin kailangan gumising ng maaga para makapunta agad kami rito sa Dome.

Iniabot sa akin ni Dion ang ginamit niyang jersey at at Jacket para ilagay sa Duffle bag ko. Nag-share na lang kaming dalawa ng bag since parehas na hindi ganoon karami ang dala namin. Pabor sa akin dahil si Dion anh nagdadala as an exchange.

"Dion 'yong power bank, nasaan?" tanong ko dahil 18% na lang ang charge ng phone ko.

"Ha? Naiwan sa boothcamp, wala ka namang sinabi na dalahin ko." reklamo niya.

"Understandable na 'yon na dadalahin mo kasi lalabas tayo." Inis kong reklamo.

Tumingin sa akin si Dion. "Oh, sorry na. Galit ka agad, eh. Ihihiram na lang kita kay Kendrix. Dala niya yata 'yong kanya." naglakad saglit si Dion palapit sa iba naming teammates at pagbalik niya ay may dala na siyang power bank.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon