Twitter: #HunterOnline or mention me @reynald_20
Like, comments, and sharing the story is highly appreciated. Thank you!
GANITONG-GANITO ang naramdaman ko noong nalaman ko kung sino ang makakasama ko sa Orient Crown noon. Mas grabe lang 'yong goosebumps ngayon kasi talagang sinala at pinili ng association ang mga players na magiging parte ng Yugto Pilipinas. They chose the best of the best players as the Philippines representative for upcoming international tournament.
I never imagined na dadating ang time na makaka-team ko itong mga halimaw pagdating sa Hunter Online.
Orient Crown- Ako, Noah, Callie, and Larkin
ALTERNATE- Sandro and Kiel
Battle Cry- Oli
Black Dragon- Choji and Leon
Daredevils- Thaddeus and Tristan
Phantom Knights- Kurt"Kumare, aminin mo, nagulat ka na nandito ako 'no!" Sabi ni Oli sa akin. "Actually wala dapat ako dito kasi unang in-offer yata 'to kay Genesis; 'yong ka-team mong kinulang sa Milo. Tapos nagka-issue yata kaya ako ang second choice na ipasok." Kuwento ni Oli. Typical Oli, mahilig mag-overshare. Grabe! Na-miss ko siyang ka-team at gusto ko makita ng personal kung gaano kalaki ang in-improve niya as a player.
"Noah, bakit hindi nakakasali si Genesis?" Tanong ko kay Noah.
"Alam mo naman ang nanay ni Bespren. Pinagpo-focus siya sa pag-aaral niya. Sagabal sa paglalaro amp. Sabi din ni Bespren ay okay na daw 'yong nanalo tayo sa championship, bawi na lang daw siya next season kung sakali." Napatango-tango ako noong naunawaan ko ang sitwasyon.
Gets ko naman dahil pinilit lang ni Genesis makalaro last season four tournament. Tama lang din naman na bumawi siya sa parents niya this time, I respected his decision. Wala na rin naman dapat patunayan si Boy Pipe lalo na't alam na nang lahat kung gaano talaga siya kagaling as a player.
Napatingin ako kay Callie. His brows crunched noong nakita niyang nakatingin ako sa kaniya. "Napogian ka na naman sa akin."
I rolled my eyes. "Kapal mo." Sagot ko sa kaniya at napangiti si Callie. "Akala ko ba ay lalaro ka para sa US team? Baka noong nalaman nila kung gaano ka kayabang ay inayawan ka na rin nila."
"Wew, durugin ko pa sila, eh. Kaya nga nila ako ini-import kasi mahihina naman talaga sila." Walang palya talaga ang kayabangan ng taong ito. "Niloko lang kita noong sinabi kong sa US team ako maglalaro para i-surprise ka lang. Effective naman dahil noong nakita mo ako ay nagulat ka."
"Napakayabang talaga. Kaasar." Natawa si Callie sa sinabi ko.
"On a serious note, bakit ako lalaro para sa ibang bansa kung alam kong kailangan ako ng Philippine Team? Durugin ko pa 'yong mga kano na 'yon, eh." Sabi niya.
"Pero 'di ba matagal mo nang pangarap na makapasok sa US team? Nasa Black Dragon ka pa lang ay pangarap mo na 'yon." sabi ko.
"Technically, oo. Pero puwede ko naman siya isantabi muna. Hindi naman siguro mawawala 'yong offer nila lalo na't isa ako sa pinakamagagaling na players sa Hunter Online. Sa ngayon, bayan muna bago sila." Napangiti ako sa sinagot ni Callie.