Chapter 167: Baguio Trip II

2.7K 258 73
                                    

Twitter: Use the hashtag #HunterOnline or mention me @Reynald_20

Thank you for staying. :)

MALAMIG ang simoy ng hangin dito sa Burnham Park, pansin ko rin ang paglabas ng usok kasabay nang aking paghinga dahil sa baba ng temperatura

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MALAMIG ang simoy ng hangin dito sa Burnham Park, pansin ko rin ang paglabas ng usok kasabay nang aking paghinga dahil sa baba ng temperatura. Mom and Dad is sitting on a bench na hindi naman kalayuan kanila Kuya.

Sobrang busy din kasi nila parehas sa trabaho kung kaya't kapag nagkakaroon kami ng bakasyon ay ginagamit talaga nila ito to spend time together and spend time with us.

Lumingon ako kanila Kuya Brooklyn and he just gave me a thumbs up. Mabuti na lang talaga na kahit para kaming aso't pusa ng mga kuya ko sa dalas naman magbangayan ay lagi naman silang nasa likod ko to give me an extra support which is I really appreciate.

"Mom, Dad." Pagtawag ko sa kanila at napatingin sila sa akin.

They warmly smiled and made an extra space between them. "Upo ka rito, pinag-uusapan namin ng Dad mo kung ano ang magandang breakfast tomorrow morning."

"Ang random, ah." Umupo ako sa pagitan nila Mom at natawa sila. My Mon hugged me while we are watching those strangers walking in front of us. "May free breakfast tayo sa The Manor. Okay naman siguro foods nila doon."

"Bakit ka lumapit sa amin? Magpapaalam ka din?" Tanong ni Dad. "Magkapatid talaga kayo ni London."

"May ipinaalam si Kuya?" Tanong ko.

"Oo, gusto niya raw magpatattoo. Isang buwan niya na kaming inuuto ng Mommy mo." Wow, atleast nagpapaalam ang Kuya kong bugok. May iba kasi na kung kailan may Tattoo na ay saka lang sasabihin sa parents para wala na daw magagawa.

"Pinayagan mo, Mom?" I asked.

"Oo para tumigil na. Pero may usapan kami. Ayoko ng full sleeves Tattoo. Sa ngayon. Di pa ako ready." She clarified 'yong word na 'Sa ngayon' to show that she is not totally against tattoo. Sadyang 'di pa siya ready dahil baby niya kaming tatlo nila Kuya.  "May size kaming napag-usapan ni London regarding sa Tattoo, kapag lumagpas siya, humanap muna siya ng ibang bahay na tutulugan."

Natawa ako sa kuwento ni Mom at napatingin ako kay Kuya London. Our eyes met at pinakyu lang ako ng buwisit kong kapatid. "Ikaw, anong ipapaalam mo? Huwag mong sabihin na magta-tattoo ka na rin? Puwede ka lang mag-tattoo once naka-graduatr ka na." Dad warned.

"Hindi pa, wala pa naman sa isip ko magpa-tattoo, Dad."

"Promise?" Dad asked

I raised my right hand. "Promise."

I breathed in and breathed out. "Pero tama po kayo may ipapaalam ako sa inyo and badly wants to know about your opinion."

"Ano 'yan?" Mom asked. "Huwag muna kayong magpapakasal ni Dion. Too young for that."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mom. "Mom, ang aga pa!" Reklamo ko at natawa sila. "But I received an offer."

"Go on." Dad said to gave me permission to explain.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon