Chapter 88: Hectic Schedule

12.6K 1.2K 663
                                    

AWARE naman ako na kapag malapit na ang malalaking laban ay nagiging busy na ang team namin sa kabi-kabilang promotions

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AWARE naman ako na kapag malapit na ang malalaking laban ay nagiging busy na ang team namin sa kabi-kabilang promotions. May pictorial para mapalitan ang mga profile picture namin sa mga gaming pages namin, group photo ng grupo for the Orient Crown page at may iba pang naiimbita na ma-interview sa iba-ibang gaming pages.

Pero ibang level ang pagkaaligaga ang nararamdaman ko ngayon. Bago mag-August (which is tournament month) ay midterm exam sa Department namin. At kapag sinabing midterm exam, iba siya sa mga quiz... Kailangan kong review-hin ang lahat ng topic from the top. At kapag sinabi kong from the top, mula first discussion hanggang sa last na natalakay namin.

"Feeling ko talaga ay babagsak ako this time, ang dami ko pang hindi naiintindihan na topic sa Calculus 2. Tapos same day pa 'yong exam sa Fundamental of Mathematics." Pinahid ko ang luha ko habang pinagmamasdan ko ang mga notes kong nakakalat sa center table sa boothcamp. "Nahiya pa 'yong mga professor namin na patayin kami."

"Kawawa naman ang Boss Madam." Hinimas-himas ni Dion ang likod ko habang natatawa. Hindi ko alam kung kinakalinga ako nito o natutuwa pa sa sitwasyon ko ngayon.

"Alam mo. Ang sarap mong i-break, susuntukin kita." reklamo ko sa kaniya at tinawanan niya lang ako. "Hindi ka nakatutulong sa akin, buwisit ka."

Hindi naman ako mahihirapan sa Math kung hindi lang tatlo ang Math ko ngayong Semester: Calculus 2, Fundamental of Mathematics, Statistics. Ang nakakaiyak kasi ay ang dami kong formula na dapat kabisaduhin sa tatlong subject na 'yan at mahirap kapag nag-jumble-jumble siya sa utak ko. Ang laki pa namang points ng midterm exam sa final grade.

"Binilihan na nga kita ng Expo tapos mga chocolates para ganahan ka mag-review." Dion said and he ruffled my hair. "Kaya mo 'yan. Strong ka, eh. Basta kapag magbe-breakdown ka na puwede kang umiyak sa balikat ko." He smiled.

"Thank you, ha? Kagabi pa ako nagbe-breakdown ngayon mo lang in-offer." He laughed again.

Mabuti na lang talaga at hindi lang ako ang nahihirapan sa sitwasyon ngayon dahil sila Larkin ay nag-o-online exam din dito sa boothcamp. Mabuti nga at hindi niya naiisipan mag-cheat kahit via online na lang ang exam nila, eh. Laging sinasabi ni Larkin ay ayon lang ang abot ng utak ko, eh. Atleast honest. And so far, lagi naman siyang pumapasa.

Pumasok si Coach Russel sa boothcamp kasunod ang ilang mga photographer at makeup artist. Napatingin kami lahat sa kanila at nagsalita si Coach. "Guys, after lunch ay may pictorial kayo for your gaming pages at magkakaroon din kayo ng short video kung ano ang username ninyo at role ninyo sa laro. We will start after lunch, hineads-up ko lang kayo."

"Yes, Coach." We answered in unison and umakyat na papaakyat sina Coach para yata mag-setup ng mga kinakailangang gamitin.

"Alam ko na agad isasagot ni Kuya Callie kung ano ang role niya sa laro." Sabi ni Noah at nilaro ang pillow sa kaniyang kamay. "Tagayabang. Iyan ang role niya."

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon