Chapter 44: Battle Cry VS. Optimal Ace

10.1K 1K 818
                                    

"WALA ka nang naiwan?" tanong sa akin ni Dion at isinukbit niya na ang Duffle bag sa balikat niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"WALA ka nang naiwan?" tanong sa akin ni Dion at isinukbit niya na ang Duffle bag sa balikat niya. Paalis na kami para pumunta sa Dome.

This will be a big day for us since last day na ng Summer Cup. Para sa akin na ang grateful ko na dahil sa unang professional tournament na nilabanan ko ay nakapasok kami sa top 6 teams among the top 16 teams na naglaban-laban. It just prove that may ibubuga ang Battle Cry pagdating sa mga tournament.

"Tanong mo 'yan sa sarili mo. Wala ka na bang naiwan?" tanong ko kay Dion dahil sa aming dalawa ay siya ang madalas makalimot ng gamit.

At tsaka, siya ang nagdadala ng duffle bag. Kapag may naiwan, kasalanan niya talaga.

Naglakad na kami pababa at habang naglalakad kami ay kausap ni Gavin ang Tatay niya sa kabilang linya.

"Papa, makapupunta ba kayo mamaya sa Sky Dome? Nagpa-reserve ako ng seats sa management namin. Last day na ng tournament." he said in a happy tone.

"Kain tayo pagkatapos ng laban, Papa—" naputol ang kuwento ni Gavin at napatingin sa phone niya. Mukhang binabaan siya ng tawag.

Hindi pa rin talaga tanggap ng Tatay niya na mahilig sa games si Gavin at isa ito sa mga priority niya sa buhay. Nalungkot si Gavin pero mabilis naman siyang nilapitan nina Oli at Liu.

"Okay lang 'yan, nandiyan naman ang parents ni Kumare. Full support lagi 'yon sa atin. Parang anak tingin sa atin noon." masayang sabi ni Oli at tumingin sa akin. "'Di ba, kumare? Kami ang totoong anak tapos ikaw ang ampon."

"Epal." sagot ko at natawa sila. Pero sa totoo ay sina Oli talaga ang unang hinahanap nila Mom sa tuwing pumupunta sila sa laban.

Hindi naman ako nagagalit o nagtatampo dahil doon. I know that they all support me. At isa pa, ine-extend nila ang pagsuporta kanila Oli. Mas kailangan nila Oli nang suporta ng magulang and masaya ako na nae-experience nila iyon kanila Mom.

Sumakay na kami sa Bus at pumuwesto ako sa tapat ng bintana at tumabi sa akin si Dion.

"Ako diyan." sabi niya.

"Wala na, nauna na ako." biro ko at inis akong tiningnan ni Dion.

"Alam mo na-realize ko na ang dami nating laban ngayon kung gusto nating manalo sa Summer Cup." sabi niya habang tinitingnan ang standing at ang bracket para sa match schedule.

"Bakit? Ilang laban ba if ever?"

"We need to win four consecutive times this day para manalo. Mas marami pa sa matches natin sa mga nakaraang araw." Wow, nakakapagod ang bagay na iyon. Isang match nga lang sa isang araw ay mentally draining na, paano pa kaya ang apat na match.

"Tapos bawal na tayo matalo?" tanong ko.

"Yup. If we lose, we are out." sobrang crucial pala ng situation namin lalo na't nasa lower bracket na kami.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon