Chapter 57: Platonic

10K 1.2K 1.1K
                                    

Happy 200,000 reads, Hunter Online! Lakas ninyo, guys!

"ANO, game na?" tanong sa akin ni Dion habang nakaupo kami sa sofa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"ANO, game na?" tanong sa akin ni Dion habang nakaupo kami sa sofa.

"Wait lang, kinakabahan ako, seryoso." I honestly said at nagbitaw ng malalim na buntong hininga. Kung ano man ang news na matanggap namin ngayon ay okay lang. "Game na."

Nagpalit kami ni Dion ng cellphone at chineck ko agad ang gmail niya. After noong boss dungeon na ginawa namin noong nakaraan ay feeling namin ay may mga Head hunters na mag-i-scout sa amin.

The game announced our names na wala na kaming team sa Esports kung kaya't umaasa kaming dalawa na may kukuha sa amin kahit papaano. Desidido kaming dalawa na makabalik sa Pro League.

"May invitation ka!" sabay naming sigaw ni Dion at parehas kaming na-excite.

"Sabay nating sabihin 'yong squad name." he nodded. "One... Two... Three..."

"Outsoul." he said. (that's the team who invited me)

"Optimal Aces." sabi ko sa kaniya.

Napatigil kaming dalawa noong ma-realize na magkaibang team ang kumukuha sa amin. The fact that some Esports team are recruiting us... paniguradong makababalik kaming dalawa sa Professional League.

"Hintay pa tayo." sabi ni Dion at humiga sa sofa. "Pero 'di ba malakas ang Optimal Aces?" ngumisi siya sa akin.

I raised my right brows "Tatanggapin mo ang offer nila?" Hindi ko pa rin talaga nakalilimutan 'yong pambu-bully na ginawa sa akin noong team na iyon. Forever grudge ko na yata iyon against sa kanila.

"Bakit ka agad galit?" Dion chuckled habang nagba-browse siya sa facebook ko since nagpalit kami ng phone for the meantime.

"Kapag sumali ka talaga doon, Dion. Friendship over." I explained to him. "Tsaka may promise tayo na-"

"Hindi tayo maghihiwalay ng team. Opo, natatandaan ko po." nakangiti niyang sagot at muling umupo. "Pero hindi ako familiar dito sa Outsoul, ah."

Naiintindihan ko naman kung bakit kilalang team agad ang nag-invite kay Dion ngayon. I mean, ilang beses na niyang pinatunayan ang sarili niya pagdating sa mga Tournament at isa siya sa mga asset ng Battle Cry noon. Mataas ang credibility niya pagdating sa paglalaro.

Ako? I just joined the professional league a while ago. Wala pa akong masyadong receipt at hindi pa ganoon kataas ang napatutunayan ko. I kinda get it kung bakit hindi na mga kilalang team ang kumukuha sa akin. Hindi susugal ang mga malalaking Team sa isang rookie pagdating sa professional league.

"Lately, ang daming squad ang nabubuo sa team na gusto ring makasali sa mga Tournament. Good news din ito in developers perspective kasi parami na nang parami ang nahu-hook sa game." I explained to him.

"Hot topic din sa gaming world ngayon 'yong live kahapon. Parang mga tanga, hindi nila ma-gets na nakikitulog lang ako sa inyo pansamantala at ginagawan pa nila ng mga issue." sabi niya sa akin.

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon